( H A N I )
Nang marinig ko'ng sinabi niya na asawa ko siya, para ba'ng kiniliti ang puso ko at napatingin ako sa kanya. Dala na rin ng kilig, patago ako'ng ngumiti habang nakayuko. Hindi ko akalain na sasabihin niya 'yun. Pero sabagay, siguro natatakot siya'ng magsinungaling sa harap ng puntod ng mga magulang ko. Takot lang niya noh? Baka multuhin siya ng Papang ko, eh love na love pa naman ako nun.
(K E V I N)
Una'ng beses ko'ng nakipag-usap sa isa'ng puntod. Kapag pumupunta kasi kami nina Mama sa puntod ng mga namatay namin'g kamag-anak, hindi ko naman sila kinakausap. At kahit kailan, hindi ko pa naranasan na namatayan ako ng isa'ng tao na sobra'ng malapit sa’kin. Pero dahil mga magulang ni Hani ang puntod na kaharap ko, pinili ko'ng pormal na magpakilala sa kanila kahit na alam ko'ng wala naman'g sasagot.
Hindi rin naman kami nagtagal ni Hani sa puntod, madilim na ang paligid at mahaba pa ang biya-biyahiin namin pauwi kaya umalis na rin kami makalipas ang lima'ng minuto.
Sa paglalakad namin palabas ng sementeryo ay nagbiro ako kay Hani, napapansin ko na kasi na magaan na ulit ang presensya niya kaya pwede ko na siya'ng biruin.
“Sayang naman, galit ata sila sa’kin.” sabi ko bigla.
Napatingin siya sa’kin at nag, “Huh?”
Her 'huh' is too cute for me to handle.
Bahagya ako'ng ngumiti at tiningnan rin siya.
“Kasi hindi naman nila ako sinagot.” sagot ko na nagpatawa sa kanya.
“Sira!” naging reaksyon niya habang nakangisi.
Nakangiti rin naman ako'ng sumagot ulit sa kanya.
“Tama naman ako, hindi nila ako sinagot.”
“So gusto mo'ng kausapin ka nila?”
“Wag naman ganun, siguro sa panaginip okay lang pero kung makikipag-usap sila sa’kin na gising ako, matatakot ata ako.”
“Ikaw? Matatakutin ka din pala eh.” pang-aasar niya.
“Siyempre multo 'yun noh, hindi 'yun kagaya sa movies.”
Tumawa ulit si Hani.
“Sira! Baliw ka talaga'ng ulupong ka.” nakangisi niya'ng sagot.
It's great to see that laugh again.
—
Sa kalagitnaan ng biyahe namin pauwi ay nakaramdam na ako ng gutom kaya napatingin ako kay Hani na nakatingin lang din sa daan.
“Gutom na ako, magdinner nalang tayo sa restaurant, gusto mo?” suhestyon ko na nagpatingin sa kanya sa’kin na may ngiti.
“Ba’t ako tatanggi? Gutom na rin naman ako.”
Ngumiti rin ako at agad naghanap nang malapit na kainan para mapawi ang gutom sa mga sikmura namin.
Milagro na hindi kami nag-away magmula nang makalabas kami ng sementeryo. Nag-asaran lang kami habang kumakain na parang normal na magkaibigan.
—
Sa sumunod na umaga, may natanggap ako'ng invitation card sa loob ng opisina ko. Nabasa ko nga ron ang tungkol sa isa'ng birthday celebration ng asawa sa isa sa major stock holder ng hotel at dun gaganapin sa isa'ng branch ng hotel namin sa Laguna.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...