Chapter 18: A Sweet Escape

1.4K 21 1
                                    

( H A  N  I )

Pasko'ng-pasko—December 25, 2009. Matapos ko'ng magsimba sa alas diyes na misa ay pinuntahan ko si Ces sa apartment niya. Dire-diretso ako'ng pumasok na para ba'ng taga-dun lang din ako.

     “Wala kayo'ng date ni Kevin?” usisa ng gaga nang eksakto'ng paupo na ako sa bangko na nasa sala ng apartment niya.

     “Ano ba'ng date ang pinagsasabi mo?” napikon agad ako sa tanong niya.

     “Nagtatanong lang ako, nasa’n ba kasi siya?”

     “Nasa bahay, sigurado ako na mamaya aalis na naman 'yun at pupuntahan niya si Monique, ayoko naman'g maiwan dun kaya inunahan ko siya.” may inis sa boses ko. Sino ba naman'g hindi maiinis sa nangyayari? Lahat naman ata nang nangyayari sa'kin'g kaligayahan, puros panandalian lang.

   Gusto ko nang maiyak sa nangyayari.
  
     “Hani, pasko'ng-pasko ngayon tapos malungkot ka.” pansin ni Acesia.

     “Naiinis kasi ako eh." pagsusumbong ko.

     "Sanay naman ako'ng mag-isa diba? At hindi na ako natatakot na maiwan ng mga tao.”

   Bigla nalang ako'ng napaluha nang hindi ko naman sinasadya, ni wala pa nga'ng internalization 'yun, bigla-bigla nalang namuo 'yun'g luha sa mga mata ko.

     “Pero iba kasi si Kevin, naging parte na siya ng buhay ko." bumagsak ang luha sa kanan'g mata ko. Ramdam ko ang mabilis na pag-agos nito mula sa mata hanggang sa pisngi ko na nag-iinit sa sakit at galit.

     "Nakakainis man aminin, pero kapag nawala siya, pakiramdam ko matatagalan pa para makamove-on ako.”

     “Shhh, ganito nalang, mag-shopping tayo, libre ko, nang sa ganun sumaya ka.” kataka-taka 'yun'g suggestion ni Ces. Kuripot naman 'yun kaya nakakagulat ang sinabi niya.

   Suminghot ako.

     “Alam mo naman na hindi ako sasaya sa mga material na bagay.” kasabay nang pagpupunas ko ng luha sa ibaba ng mga mata ko.

     “Eh di, food trip nalang tayo. O diba 'yun ang gusto mo?”

   Tumango agad ako sa salita'ng pagkain.

   Ang bait bigla sa'kin ng lukresia.

     “O sige.”

   Buti nalang at marami'ng laman ang ref ni Ces, kaya marami ako'ng nakain sa araw na ‘yun. May sandwich, icecream, spaghetti tapos nagluto pa ng empanada ang gaga kaya talaga'ng naaliw ako kahit papa'no sa oras na nasa bahay niya lang ako.

  




Magga-gabi na ako'ng nakauwi ng bahay, gaya nga nang inaasahan ko—wala si ulupong. Sinalubong ako nang tahimik at madilim na bahay, pasko'ng pasko pero wala'ng kabuhay-buhay ang lugar na 'yun.

   Tumayo ako sa harap ng Christmas tree. Naisip ko ang gabi na sabay namin'g nilagyan ng decorations ang puno. Ang saya namin nun, para kami'ng mga bida sa isa'ng teleserye.

     "Una at huli'ng beses lang pala 'yun." naging malabo muli ang paningin ko sanhi nang pabagsak na mga luha.

   Tumunog bigla ang message ringtone ko, galing kay ulupong ang text—may bibilhin daw siya'ng importante kaya wala siya sa bahay.

   Suminghot ako at pumanhik na ng kwarto.

     “Importante'ng mukha mo!” naiinis ko'ng sermon at padabog na humiga sa kama.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon