23.1

1.2K 24 2
                                    

(K E V I N)

Nasa balkunahe ako ng kwarto nang makita ko si Hani na hinatid nang isa'ng grey na kotse sa labas ng bahay. Tinitigan ko nang mabuti kung sino ang nasa driver’s seat at napag-alaman ko na 'yun'g lalaki'ng wala'ng mata dahil sa pagkasingkit ang naghatid sa kanya. Nagngitian pa sila'ng dalawa bago lumabas ng kotse si kutong-lupa. Inis ako'ng tumalikod at umupo sa may paanan ng kama namin.

     “May dala pa siya'ng bulaklak.” pansin ko tapos ay tiningnan ko ang photo stand ni Ethan Lin.

     “Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan? 'Wag mo nga ako'ng ngingitian nang ganyan. Nakakapikon kayo'ng mga singkit kayo. Akala niyo gwapo na kayo?"

   Inis ako'ng tumayo at lumabas ng kwarto.

   Pababa pa 'ko ng hagdan nang pumasok si Hani sa main door ng bahay.

     “Nakauwi ka na pala.” sabi niya habang naglalakad palapit sa hagdan.

     “Maaga kasi ako'ng natapos sa opisina.” sagot ko naman habang sinasalubong siya.

     “Ah, ganun ba?”

   Pababa ako, paakyat naman siya.

   Nang papalagpas na siya sa’kin sa hagdanan ay—

     “Hani, sandali.” pigil ko sa kanya. Pareho kami'ng huminto.

     “O?”

     “Kumusta naman ang dinner niyo ni Stan?”

     “Ba’t mo naman natanong?”

     “Bawal ba'ng magtanong?”

     “Ayos lang, nabusog naman ako.”

     “Buti kung ganun.”

   Tumango siya.

     “Matutulog na ako.”

     “Sige.”

     “Oo nga pala, hindi ka pa matutulog?” bigla niya'ng naalala noon'g pahakbang na siya.

     “Mamaya na.” sagot ko sabay talikod.

     “Ok, ikaw’ng bahala.”

   Humakbang ako nang dalawa'ng beses bago siya nilingon ulit na patuloy na sa paglalakad.

     “Oo na, asawa mo siya, iyo'ng-iyo lang siya.” bigla'ng naalala ko ang sinabi'ng ito ni Clark.

   Napabuntong-hinga ako at yumuko habang nagpapatuloy sa paglalakad.

     “Asawa nga kita, pero hindi naman ako ang nagmamay-ari sa’yo.” bulong ko.

( H A  N  I )

Sabado ng umaga, paglabas ko ng maindoor ay napaatras ako bigla nang makita ko si Kevin.

     “Ba’t ang aga mo'ng umuwi?” tanong ko sa kanya.

     “Wala na ako'ng gagawin sa opisina kaya umuwi na ako.”

     “Ah, ok.”

     “Aalis ka?”

     “Mag-gro-grocery lang ako, konti nalang kasi 'yun'g laman ng ref.”

     “Ok, samahan na kita.”

     “Ha?”

     “Sasamahan na kita, kesa naman gumastos ka pa ng pamasahe, at saka may bibilhin din ako.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon