( H A N I )
Abril na. Dalawa'ng buwan nalang at mawawala na sa'kin ang asawa k—si Kevin. Kung dati sinasabi ko sa sarili ko na gusto ko'ng kalimutan siya, para hindi ako mahirapan sa paghihiwalay namin, ngayon nagbago na naman ang isip ko. Hindi ko na siya kailangan'g iwasan. Tanggap ko na, na wala na talaga'ng bawian ang kasunduan ni Mama. Maghihiwalay kami ni Kevin pagkatapos ng isa'ng taon nang pagsasama.
Hahayaan ko nalang na sumaya ang puso ko sa loob nang natitira'ng dalawa'ng buwan. Hindi ko dapat pinipigilan ang nararamdaman ko dahil sa tuwing ginagawa ko 'yun, mas lalo lang 'to'ng tumitindi.
Imbis na makipag-away ako sa alon, sasabayan ko nalang 'to, mas hindi pa ako mahihirapan. Hindi ba?
(K E V I N)
Pinili namin ni Hani na 'wag nang pag-usapan ang nangyari'ng paghalik ko sa kanya. Wala rin naman'g naidulot na maganda ang halik na 'yun. Maliban sa nalaman ko'ng kapatid lang ang tingin ni Hani sa'kin, ayoko nang alalahanin pa ang nagawa ko—masasaktan lang ako.
"Ba't ka nandito?" pagtataka ko nang pumasok si Hani sa opisina na may dala'ng lunchbox.
"Dinala ko lang 'to'ng pananghalian mo."
"Hindi ka na sana nag-abala. Pwede naman ako'ng umorder nalang o 'di kaya sa restaurant sa baba kumain."
Napangiti siya.
"Wala'ng mabibili'ng ganito kasarap na beef salpicao sa restaurant ng hotel niyo."
Natawa ako.
"Pinagmamalaki mo pa 'yan'g niluto mo ano?"
"Kesa magreklamo ka, kumain ka nalang kaya?" sabay upo sa sofa at hinanda sa mesa ang pagkain.
Tinitigan ko bawat galaw niya, hanggan'g sa mahinto ako sa halos tigang niya'ng labi.
"Kevin." nagtama ang mga tingin namin, "Ano? Halika na, wala'ng lason 'to."
Bumuntong-hinga ako't sinara ang laptop.
"Ikaw, kumain ka na?" habang palapit ako sa kanya.
"Mamaya na pag-uwi ko. Busog pa naman ako."
Umupo ako sa tabi ng asawa ko. Amoy baby powder talaga siya.
"Sabayan mo nalang ako."
"Huh?"
"Wala 'to'ng lason, diba?"
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
Napangiti ako.
"Isa'ng pares lang ng kubyertos ang dala ko." dugtong niya pa.
"Problema ba 'yun? Eh di magkamay ka."
"Gusto mo na naman ba ng away?" nagbanta na siya.
"Biro lang." I surrendered and she simply snarled her drying lips.
Napaigham ako sabay tayo.
"Sandali lang. Tatawagin ko si Lani."
"Huh? Magpapabili ka ng kutsara?"
Napatingin ako sa kanya.
"Nag-iisip ka ba talaga o hindi?"
Nangunot ang noo niya.
Napabuntong-hinga ako. She's really not normal.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...