Chapter 6: A Rainy Sunday

1.4K 21 1
                                    

 ( H A  N  I )

Maaga ako'ng nagising sa sumunod na umaga. Nang tingnan ko si Kevin na katabi ko sa pagkakataon'g 'yun ay halata sa mukha niya na pagod na pagod siya at himbing na himbing ang tulog.

   Pero ang gwapo pa rin niya kahit pagod.

   Napakamot ako ng ulo ko at umalis na ng kama.

     “Maglalaba nga pala ako ngayon.” mahina ko'ng sabi sa sarili habang nilalagyan ng toothpaste ang sipilyo ko.

   Matapos ko'ng maghilamos at magsipilyo ay naghanda na ako nang aalmusalin namin. Napansin ko na madilim ang bahay kaya napahinto ako at tumingin sa labas.

     “Mukha'ng naaawa na ata sa’kin ang panahon ah, sana nga buo'ng araw ang ulan na’to para hindi ako makapaglaba.”

   Pagkatapos ko'ng magluto ng pagkain para sa almusal ay hinintay ko'ng bumaba si Kevin. Sa mga oras na ‘yun kasi siya nagigising pero mukha'ng napasarap ata ang tulog niya. Pinuntahan ko siya sa kwarto at nadatnan ko nga'ng nakapulupot siya sa kumot. Kumunot ang noo ko at nagreklamo sa nakikita ko.

     “Hay naku, tingnan mo 'to'ng lalaking 'to, nag-eenjoy sa pagtulog, habang ako naghihintay na gumising siya para sabay na kami'ng kumain—ay teka ba’t ko nga ba hinihintay 'to'ng ulupong na’to?”

   Kunot-noo ko siya'ng tinitigan at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para mauna nalang kumain.

     “Hindi ko dapat hinihintay ang ulupong na’yun, tutal 'pag nauuna naman siya'ng gumising, hindi rin niya ako hinihintay sa almusal.” sabi ko nang nasa dining area na ako, umupo na rin ako at kumain. Pero maya-maya nga lang ay napatingin ulit ako sa may hagdanan.

     “Mas lalo'ng napapahimbing ang tulog niya kasi malamig ang panahon. Ang hilig-hilig talaga niya sa malamig, tutal malamig rin ang ugali niya.” at kumagat ng slice bread pagkatapos.

   Natapos na ako'ng kumain, tapos na rin ako sa paghuhugas ng pinggan. Pero hindi pa rin bumabangon si Kevin kaya naisipan ko nang gisingin ang ulupong na ‘yun.

     “Hoy, Kevin!” sigaw ko.

   Napadilat siya bigla dahil sa gulat, tapos ay kinamot niya ang ulo niya nang mag-sink na sa kanya ang pagsigaw ko.

     “Ano na naman ba?!” sigaw na sagot rin niya sa’kin.

     “Gumising ka na nga diyan, tapos na ako'ng magluto at maghugas ng pinggan. Ano 'to? Ako na naman ang gagawa ng mga gawain'g bahay habang ikaw natutulog lang? Hoy, gumising ka diyan!”

     “Pwede ba, maglaba ka nalang dun?” utos na naman niya kaya mas lalo ako'ng nainis, gago talaga 'yun.

     “Pa’no ako maglalaba? Eh ang lakas-lakas ng ulan sa labas.” pagsagot ko.

     “Eh di maghanap ka ng iba'ng gagawin.”

     “At ako lang talaga ang kikilos sa bahay na’to? Eh ikaw? Ano'ng gagawin mo?” pagtatalak ko.

     “Ang ingay mo naman eh! Inaantok pa ‘ko.” pikon nyang sagot sa’kin. Huh! Buti nga’t nabuburyo siya sa’kin.

     “Inaantok pa rin naman ako pero kailangan ko'ng gumising!” talak ko pa.

     “Eh di matulog ka rin.”

     “Sino'ng maglilinis ng bahay? Hindi na ako pwede'ng maglinis bukas kasi may pasok na ako.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon