(K E V I N)Alas otso ng umaga, nagsimula na kami'ng bumiyahe papunta sa Rajaprabada Dam. Habang nasa loob kami ng sinasakyan'g van ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang si Hani ay katabi ko at nakikipagkwentuhan sa bago niya'ng kaibigan na si Vickie.
“May anak ka na?” tanong niya kay Vickie.
“Oo, 3 years old na siya.”
“Talaga? Ilan'g taon ka na ba?” kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam ko ang eskpresyon ng sabihin niya 'to.
“23 years old. Ang aga ko'ng nagkababy noh?”
“Okay lang 'yun. Maswerte ka at pinanindigan ka niya. At isa pa, paglaki ng anak mo, tiyak parang magkapatid lang kayo.”
“Sana nga. Gusto ko nga 'yun'g ganun. Eh ikaw? May anak na ba kayo ng asawa mo?”
“Ay, naku wala. Imposible.”
Sana man lang galingan niya 'yun'g pag-arte niya. Halata kasi'ng nandidiri siya tungkol sa topic na magkakaroon siya ng anak sa’kin. Ang gwapo kaya ng lahi namin, maswerte siya 'pag nagkataon.
“Ba’t naman imposible?” tanong ni Vickie.
“Oo nga, my Hani, ba’t naman imposible? Diba nga sabi ng OB mo, anytime pwede tayo'ng magka-baby? Physically fit naman tayo pareho kaya pwede tayo'ng magkaanak.” pagsabat ko sa usapan nila.
Inakbayan ko pa siya saka tiningnan si Vickie.
“Pasensya na. Nahihiya talaga 'to'ng asawa ko na pag-usapan ang tungkol sa baby. Pero sa totoo lang, kaya nga kami nandito kasi sinusubukan namin'g makabuo, diba mahal?”
Tumingin si Hani sa’kin at sabay kami'ng ngumiti. Pero halata'ng umuusok na ang ilong niya sa bwesit.
“Pilyo ka talaga, mahal. Nakakahiya naman kina Vickie.” nakangisi niya'ng sagot habang kinukurot ang tagiliran ko.
Talaga'ng nagpigil lang ako, hindi ko naman siya pwede'ng sigawan dun at hindi rin kami pwede'ng magtalo dahil hindi lang naman kami ang sakay na turista ng van. Ngumiti nalang ako pero ang totoo gusto ko siya'ng pagalitan, ang sakit kaya ng kurot niya.
Maya-maya habang nakaakbay ako kay Hani ay bigla siya'ng humikab at kinamot ang mata niya.
“Hoy, pwede mo naman'g higaan ang balikat ko.” bulong ko sa kanya.
“Wag na, baka singilin mo pa ako diyan sa pagmamaganda'ng loob mo.” bulong din niya sa’kin.
“Hoy, kanina pa ako napipikon sa’yo ah.”
“Ikaw lang ba? FYI pareho lang tayo nang nararamdaman.”
“Bakit? Ano'ng ginawa ko?”
“Try mo kaya'ng isipin.”
“'Yun'g tungkol ba kanina?”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...