( H A N I )
“Sino ba siya sa tingin niya para bawalan ako? Paminsan-minsan nga lang ako'ng aalis tapos pipigilan pa niya ako.” nagdadabog ko'ng sabi habang naglalakad palabas ng subdivision.
Sumakay ako ng jeep papunta'ng Riverbanks at nagkita-kita nga kami nina Bree at Lea sa may entrance ng mall.
“Akala namin hindi ka sasama.” sabi ni Lea.
“Oo nga, nagpaalam ka ba kay Kevin?” tanong ni Bree.
“Tatakas lang sana ako, pero naabutan niya 'ko.”
“Ha? Ba’t ka naman tatakas?” usisa pa ni Lea.
“Oo nga, binabawalan ka ba? Sinasaktan ka ba niya?” dagdag naman ni Bree.
“Hindi naman niya ako sinasaktan, ayaw lang talaga niya ako'ng payagan na umalis kasi gabi na raw.”
Nagtinginan si Bree at Lea at naghawak-kamay sabay. “Oww.” kinikilig nila'ng reaksyon.
Hay, ang bilis lang nila'ng kiligin. Ano ba'ng nakakakilig sa isa'ng lalaki na binabawalan ka'ng gawin ang gusto mo? Kahit na may gusto ako kay Kevin, hindi pa rin ako papayag na basta-basta lang niya ako'ng pigilan sa mga gusto ko. Buhay ko naman 'to, kaya manahimik siya.
“He’s really sweet.” sabi pa ni Lea.
“Oo nga, may younger brother ba siya? Pwede akin nalang?” tanong ni Bree.
Bumuntong-hinga ako.
“Wala 'yun'g kapatid na mas bata. Siya 'yun'g bunso.”
“Eh pinsan?”
“Meron pero hindi ko naman kilala at hindi ko nakakausap.”
“Ah.”
“Oy Bree diba may Boom ka na?” tanong ni Lea.
“Nanliligaw lang naman 'yun, at hindi pa ako ready na sagutin siya. Pumunta na nga tayo sa loob at mag-skating na tayo.”
“Oy turuan niyo ko kung pa’no ha?” sabi ko.
“Sure.” nakangisi at sabay nila'ng sagot.
First time ko mag-skating, kaya naghalo ang kaba at excitement ko. Sana naman makuha ko agad kung papa'no.
Palapit na kami sa skating rink nang may nadaanan kami'ng mga nagbibenta ng laruan. Nakapansin ako ng isa'ng dart board kaya huminto ako sa paglalakad at lumapit sa nagbibenta.
“Miss, magkano ‘to?”
“250 pesos.”
“Sige, bibili ako.”
“Hani, aanhin mo ‘yan?” tanong ni Lea sa’kin.
“Matagal na kasi ako'ng hindi nakakapagdart.”
“Maruno'ng ka'ng magdart?”
Napangisi ako.
“Oo, pati pumana marunong din ako. Dati nung highschool ako, kasali ako sa archer’s club kaya magaling ako sa mga pana-pana.”
“Ah, akala ko papanain mo si Kevin eh.” natatawa'ng sabi ni Lea.
“Pwede rin.”
“Huh?”
“Pwede rin, pwede rin'g hindi.” alibi ko.
Pero may point nga si Lea, pwede ko'ng gamitin 'yun'g dart sa pagpana kay Kevin kapag ininis na naman ako ng ulupong na ‘yun.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...