2.2

1.5K 26 0
                                    

 (K E V I N)

Nang pumasok na ulit si Hani ng bahay ay sabay kami'ng napatingin sa isa't isa. 

   Sabay rin'g umiwas.

     “Ilalagay ko lang 'yun'g mga damit ko sa cabinet.” sabi niya.

     “Isama mo na rin 'yun'g akin. Tutal asawa naman kita diba? Kaya bawal ang kanya-kanya.”

     “Oo na.” at nakasimangot siya'ng humakbang, inirapan ko rin naman siya at tumingin na rin ulit sa pinapanuod ko sa TV.

  

Sa una'ng gabi namin sa bago'ng bahay ay nadatnan ko si Hani sa balcony ng kwarto namin. Suot-suot niya ang may rainbow print na pair of pajamas. Nakapusod pa rin ang mga buhok.

     “Hindi ka pa ba matutulog? May pasok ka pa bukas diba?” tanong ko sa kanya habang nakatayo ako sa may sliding door.

     “Mamaya na.”

     “Pumasok ka na, kailangan'g isara na nito'ng sliding door, bubuksan ko 'yun'g aircon.”

   Lumingon siya sabay sabing, “Ha? Wag.” pigil niya.

     “Bakit?”

     “Hindi ako nakakatulog 'pag sobra'ng lamig.”

     “Ano'ng hindi? Ang himbing-himbing nga ng tulog mo ron sa hotel.”

     “Nakasweater at jacket ako nun diba? At saka tiniis ko lang naman talaga 'yun'g lamig dun.”

     “Pwes magtiis ka ulit, hindi ako nakakatulog na wala'ng aircon, ang init-init kaya.”

     “So ako na naman ang magpaparaya?”

     “Oo.” at nauna na'ko sa kama para maghanda sa pagtulog.





( H A  N  I )

Wala talaga'ng konsiderasyonto'ng lalaki'ng ‘to. Bwesit!” pagdadabog ng utak ko.

   Inis ko'ng isinara ang sliding door at humiga sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot habang tinatalikuran siya.

   Naramdaman ko'ng bumangon siya kaya ako napalingon. Ni-set nalang niya sa fan-mode ang aircon.

   Palihim ako'ng ngumiti at tumalikod na ulit.

   Ipinikit ko ang mga mata ko nang may ngiti sa labi.

 

(K E V I N)

Gaya ng dati, hirap pa rin ako sa pagtulog dahil sa humihilik si Hani at napakalikot pa nito. At ito pa, mainit sa loob ng kwarto kaya hindi nalang ako nagkumot, kung minsan ay kamuntikan na nga ako'ng mahulog sa kama. Tinulak ko si Hani pero hindi naman siya nagising, mahina ko'ng sinipa ang paa niya pero wala pa rin'g epekto.

   Umupo na rin ako sa kama at pinikit ang mga mata ko, pero kahit ano'ng gawin ko, ayaw talaga ako'ng dalawin ng antok. Kinuha ko nalang ang isa'ng libro at nagbasa.

   'Di nagtagal ay nakaramdam na ako ng puyat at pagod kaya nakatulog ako nang hindi man lang naisasara ang libro'ng hawak ko.









( H A  N  I )

Pagdilat ng mga mata ko kinabukasan, ang nakaupo at tulog na si Kevin ang nakita ko. Kahit na nakakabwesit siya, ang gwapo rin talaga niya.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon