(K E V I N)
Nang bumaba na si Hani ay nasa sofa lang ako—nagbabasa. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay agad ako'ng tumayo at sinundan siya na naglalakad papunta'ng kusina.
“Pwede ka na ba'ng magkwento?” pang-uusisa ko ulit sa kanya.
“Kakain muna 'ko.” matamlay pa rin niya'ng sagot.
“Sus, pa-suspense ka naman eh.”
Tumingin siya sa’kin na naka-poker face ang mukha saka seryoso'ng sumagot.
“Basta kakain muna ako.”
Ano kaya'ng problema nun? 'Yun ba ang reaksyon niya matapos makita ang idol niya? Napaka-ironic naman ata.
Tahimik siya'ng kumain. Para siya'ng baliw na bumubuntong-hinga bigla habang ngumunguya. Ayaw din naman niya'ng titigan ang mga mata ko, ayaw niya ako'ng pansinin kaya nakakapagtaka.
Matapos namin'g kumain ay nauna siya'ng tumayo at nilagay ang pinagkainan sa lababo, tumayo na rin ako at sinundan siya. Nang palapit naman siya sa nook para kumuha ng prutas ay sinundan ko pa rin siya. Dun na siya napatingin sa’kin at nagtanong na may kasama pa'ng kunot sa noo dahil na rin nang pagtataka.
“Ba’t ba sunod ka nang sunod sa’kin?” pagtataray niya.
“Nagtataka kasi ako sa’yo kung ba’t ganyan ang reaksyon mo, naubos ba ang energy mo sa kakasigaw ron?” sagot ko habang binabalatan niya ang prutas na ponkan.
“Hindi ko nga siya nakita kaya ba’t ako sisigaw?” sa prutas na binabalatan niya ang atensyon niya.
“Ba’t nga hindi mo siya nakita?” usisa ko pa.
“Hindi ako nakapasok.” walang-gana'ng sagot niya at kumain nang isa'ng pisngi ng orange.
“Ha? Ba’t hindi?” nagtataka ko'ng tanong, talaga'ng kinukulit ko siya para umamin.
Tumingin siya sa’kin at sumagot habang ngumunguya.
“Naabutan ako ng traffic kaya nung dumating na ako sa MOA, hindi na ako pinapasok.”
“Ganun?” naging reaksyon ko.
Kawawa naman pala ang kutong-lupa, kaya pala para siya'ng broken hearted kung umasta.
Tinitigan ko siya habang tinatapos ang kinakain'g prutas.
“Ok ka lang ba?” tanong ko matapos ang ilan'g saglit.
Tumingin siya sa’kin at nangunot ang baba niya. Ang kinagulat ko pa ay nang makita ko'ng may namuo'ng luha sa mga mata niya at sumagot.
“Siyempre hindi! Idol ko 'yun noh, minsan lang siya'ng bumisita dito. Sayang talaga 'yun'g opportunity na makita ko siya sa personal.” naluluha talaga siya.
“'Wag ka nga'ng magdrama nang ganyan, para naman'g napakaimportante ng lalaki'ng 'yun.”
“Kahit kailan talaga hindi mo 'ko naiintindihan!” sigaw niya at iniwan na naman ako'ng mag-isa sa kusina.
Talaga'ng hindi ko siya maintindihan, artista lang naman ‘yun. At kung makita nga niya ito, makakalimutan din naman siya nun dahil wala naman'g ka-espe-espesyal sa kanya. Siya lang 'yun'g kikiligin, pero 'yun'g idol niya hindi.
—
“Hindi naman siya matatandaan ng idol niya. Nakakatawa'ng isipin and at the same time nakakalungkot rin, hindi niya makakalimutan na nakita niya ang idol niya, pero 'yun'g idol niya, nakalimutan na nagkita na pala sila. Siya lang naman ang niloloko ng mga artista'ng ‘yun.” sabi ko habang naghuhugas ng pinggan. Dahil hindi na bumaba si Hani ulit, ako na lang ang gumawa nun.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...