Chapter 1: The Him who annoys Her

2.6K 43 2
                                    

Hi to @jhonreygaytos!!! Salamat sa pag-support sa book 1, ito na yung book 2 na hinahanap mo :)))

.........

(K E V I N)

Nasa loob kami nang isa'ng kwarto sa hotel habang nasa reception na ang iba'ng bisita na wala'ng kaalam-alam na isa'ng malaki'ng biro lang ang nangyari'ng kasal. Talaga'ng hindi ako kaya'ng tingnan ni Mama dahil alam niya na nagagalit ako sa ginawa niya at hindi ako masaya sa nangyari. Sino ba naman'g matutuwa sa ganun? Ang hilig nya talaga'ng mang-trap.

     “Sa tingin niyo po ba natutuwa kami sa ginawa niyo?” pagsermon ko kay Mama.

     “Oo na, alam ko'ng mali ako, pero hindi ako makakapayag na hindi mo maging asawa si Hani.” pagtatanggol niya sa sarili niya.

     “Ma! Kakausapin ko ang judge, sasabihin ko na hindi valid ang kasal na 'yun.”

     “Ha? Ilan'g minuto pa lang kayo'ng kasal tapos maghihiwalay na kayo?”

     “Ma, nilagay niyo kami ni Hani sa trap kanina, wala na kami'ng kawala. Kung umatras man ako o si Hani, pare-pareho tayo'ng mapapahiya, sinunod ko nalang ang gusto niyo para na rin hindi masira ang reputasyon niyo, pero Ma, alam mo'ng wala'ng kwenta ang kasal na ‘yun.”

   She rolled her eyes.

     “O sige, ganito nalang, valid ang kasal niyo nang isa'ng taon, pagkatapos ng isa'ng taon at hindi niyo pa rin mahal ang isa’t isa, sige hahayaan ko kayo'ng maghiwalay. Ako na rin mismo ang maghahanap ng abogado na mag-aasikaso ng annulment niyo, pirma niyo lang ang kailangan at ako ng bahala sa lahat, tutal ako lang naman ang may gusto sa kasalan'g 'to.”

     “Tingin niyo ba biro lang lahat nang 'to? Tingin niyo ba nasa isa'ng teleserye tayo? Na kapag sumigaw ka ng cut, balik na sa normal ang lahat?"

     "Gusto ko lang naman na masiguro ang future niyo."

     "Sigurado ba talaga kayo sa sinasabi niyo, Ma? Hindi lahat ng bagay ay prank lang at katuwaan."

     “Sorry, pero isa'ng taon lang naman 'yun'g hinihingi ko, pagkatapos nun hahayaan ko na kayo, tatanggapin ko nalang na hindi talaga para sa pamilya natin si baby girl.” naluluha'ng sabi pa niya.

     “May paiyak-iyak pa kayo'ng nalalaman.”

     “Tita, kailan niyo po tinawagan ang tiyahin ko?” sabat ni Hani.

   Nagpunas ng luha si Mama.

     “Nung isa'ng araw lang." at napahawak ito sa kamay ni Hani, "Baby girl, pumapayag ka ba sa one year marriage mo sa anak ko?”

     “Pwede po ba'ng isipin ko muna? Pupuntahan ko lang po 'yun'g Tiyang ko, kailangan ko ho nang makakausap.”

     “Okay, sige.” malungkot na sagot ni Mama at binitiwan si Hani.

   Lumabas nga si Hani ng kwarto, at sa paglabas niya ay mas lalo ko'ng pinakonsensya si Mama.

   Kumunot ang noo ko at nagsalita.

     “Pati si Hani dinamay niyo.”

     “Baby boy, ang hina-hina mo kasi. Hanggan'g ngayon hindi ka pa rin dumidiskarte kaya ako na ang gumawa ng paraan.” depensa na naman niya, at ako pa ang ginawa niya'ng dahilan.

     “Bakit ko kailangan'g dumiskarte eh wala naman ako'ng balak ligawan si Hani?!” sigaw ko sa Mama ko.

     “Wala ka ba talaga'ng gusto sa kanya?”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon