( H A N I )
“Nagkasakit na naman ako, siguro dahil na rin sa stress, 'di lang sa klase kundi pati na rin dito sa bahay.” nasabi ko habang nakatalukbong sa kumot tapos ay napahatsing ako na sobra'ng lakas.
(K E V I N)
Bumalik ako ng kwarto na may dala'ng sopas at kalamansi juice. Himbing na himbing naman ang pagkakatulog nito'ng si kutong-lupa.
“Hani, gising ka muna.” pagputol ko sa tulog nya. Napalingon sya sa’kin ilan'g saglit pa tapos ay dahan-dahan s'ya'ng bumangon.
“Ba’t nandito ka pa?” tanong niya bigla sa’kin.
“Nagluto ako ng sopas para sa’yo.”
“Hindi ka ba pupunta ng hotel?”
“Hindi naman kita pwede'ng iwan dito mag-isa. Baka gumapang ka pababa ng hagdan, mas lalo ka'ng magmumukha'ng tanga.”
“Magmumukha lang ako'ng tanga kung may makakakita. Pero kung ako lang mag-isa, hindi naman masyado'ng nakakahiya.”
Pinitik ko ulit ang noo niya.
“Aray naman!”
“May sakit ka ba talaga?”
“Ano ba sa tingin mo?”
“May sakit ka na sa ugali mo'ng ‘yan?”
“Oo!” sagot niya at napaubo siya pagkatapos.
“Nag-uubo-ubuhan ka lang ata para maalagaan kita.”
“Kapal talaga ng mukha mo'ng ulupong ka. Sino ba'ng may sabi sa’yo na alagaan mo 'ko? Umalis ka na nga lang, kaya ko'ng alagaan ang sarili ko.”
“Sus, nagsisinungaling ka pa. Umupo ka na nga lang at susubuan kita nito'ng sopas.”
“Masarap ba ‘yan? Baka naman may nilagay ka'ng kung ano-ano'ng hindi maganda'ng bagay diyan.”
“Pwede ba'ng magtiwala ka naman sa’kin?”
“Pwede ba kita'ng pagkatiwalaan?”
“Bigyan mo naman ako ng benefit of the doubt kahit minsan. Kita mo naman'g nag-effort ako'ng ipagluto ka kaya sana man lang magtiwala ka kahit konti sa’kin.”
“Asus. O sige na, sorry.”
“Nganga ka na, kailangan ubusin mo ‘to'ng niluto ko.”
Ngumiti si Hani at tumango.
Hinipan ko ang sopas bago isubo sa bibig niya, at kahit na halata'ng hindi maganda ang pakiramdam niya, may gana pa rin siya'ng magtaray sa’kin.
“Wag mo naman'g damihan, ang liit-liit lang kaya ng bibig ko.”
“Pasensya na.”
“Talaga ba'ng hindi ka papasok sa hotel?”
“Sinabi ko naman kay Lani na kapag may emergency tawagan niya agad ako.”
“Eh pa’no kung may emergency tapos nanginig ako sa sobra'ng lamig, sino'ng pipillin mo?”
Tinitigan ko siya at hindi ako sumagot. Pero ang isasagot ko naman talaga ay mas pipiliin ko siya.
“Wag mo nalang sagutin, subuan mo pa ako.” nasabi niya nalang bigla.
“Demanding.”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...