1.2

2K 25 1
                                    

 ( H A  N  I )

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay napalingon ako at bumuntong-hinga. Humiga ako sa kama na parang isa'ng fetus na niyayakap ang isa'ng unan.

     “Oo may nararamdaman ako sa kanya, pero hindi ko naman ginusto na pakasalan siya. Lalo na’t alam ko'ng hindi naman ito magtatagal. Sino ba naman'g babae'ng gusto'ng humiwalay sa lalaki'ng mahal niya? Diba wala?” naiiyak ko'ng pagda-drama habang nakayakap sa malambot na unan.








(K E V I N)

“Ni wala pa nga'ng isa'ng araw na kasal kami, nagkasigawan na agad kami'ng dalawa. Pa’no pa kaya kapag nagtagal 'to'ng pagsasama'ng ‘to? Ilan'g sigawan na naman kaya ang mangyayari?” tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta'ng pool area ng hotel.

   Uminom ako ng buko juice habang nakaupo sa isa'ng recliner malapit sa pool. Napagtanto ko na hindi lang naman kami palagi'ng nagtatalo ni Hani, minsan naman nagiging magkasundo rin kami. Siguro iiwasan ko nalang 'yun'g mga bagay na pwede niya'ng ikagalit. Pero nakakainis kasi siya paminsan-minsan at kapag sumigaw ako, tiyak sisigaw rin siya.

   Ewan. Bahala na si Batman sa pagsasaman'g ‘to.

   Naglagi nalang ako sa pool area ng isa'ng oras. Kailangan ko'ng magpalamig.

  

Nang bumalik na ako ng kwarto ay nadatnan ko si Hani na himbing na himbing ang pagtulog.

     “Talaga'ng relax na relax siya sa pagtulog ah.” mahina'ng sabi ko at inalog ang braso niya. “Hoy, Hani, Hani, gising. Oy.” paggising ko.

   Nang gumalaw na siya ay saka palang ako tumigil sa pag-alog.

     “Ano ba?! Natutulog ako hindi mo ba nakikita?” inis niya'ng tanong habang hindi pa tuluyan'g dumidilat ang mga mata niya.

     “Alam ko'ng natutulog ka kaya nga ginigising kita diba?”

   Agad dumilat ang mga mata niya at bumangon.

     “He! Ano ba kasi'ng kailangan mo?” tanong niya sa’kin.

     “Matutulog na 'ko.”

     “Problema ba 'yun? Eh di ipikit mo 'yan'g mga mata mo, gusto mo turuan pa kita?”

     “Pa’no ako makakatulog eh nandiyan ka?”

   Kumunot pa lalo ang noo n'ya at nagtaray, “Teka nga muna, paalisin mo na naman ba ako? Hoy, Kevin wala'ng sofa dito kaya sa’n mo 'ko papatulugin?”

     “May sahig naman diba?”

     “Sumosobra ka na talaga, kailan mo ba maiintindihan ang salita'ng gentleman?”

     “Hindi ako sanay matulog sa sahig, pero ikaw alam ko'ng sanay ka kaya ikaw nalang ang matulog sa sahig.” sabay hawak sa kumot at hihiga na rin sana.

     “Ayoko nga!" sigaw niya.

   Hinila niya pabalik ang hawak ko.

    "Hindi mo na ako mauutusan ngayon, asawa mo na ako, and I have the right to be treated as a human being! Sige ka, baka gusto mo'ng kasuhan kita ng women abuse?”

   Natameme ako saglit sa sinagot niya.

     “O sige!" pagsigaw ko na rin, "Hindi na kita papatulugin sa sahig, tabi nalang tayo.”

   Umupo ako sa kama at tinitigan siya na bilog na bilog ang mga mata sa gulat.

     “Ayoko, hindi ako papayag.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon