(H A N I)
May isa'ng kotse na huminto sa harap ko, tinitigan ko lang 'yun hanggang sa lumabas nga galing dito si Stan.
Tumayo agad ako at ngumiti.
Nginitian ako nang chinito'ng 'yun at binuksan ang pintuan ng kotse niya.
“Tara?” anyaya niya sa’kin.
Kumalma ako.
Thank you, Stan.
“Sa’n mo gusto'ng pumunta?” tanong niya matapos ko'ng isuot ang seatbelt.
Napatingin ako sa kanya.
“Ewan ko, basta gusto ko'ng huminga. Kaya pwede ba'ng ilayo mo 'ko dito? Please?”
Tumango siya sa'kin na talaga'ng kinatuwa ko.
Bahagya ako'ng yumuko at tumingin sa labas ng bintana.
—
Inihinto niya ang kotse sa isa'ng tahimik na park.
"Nasa'n tayo?"
"Diba gusto mo'ng huminga?"
Tumango ako.
"Gusto sana kita'ng dalhin sa dagat, o 'di kaya sa amusement park. Pero 'pag ginawa ko 'yun, baka magalit ang asawa mo na dinala kita na tayo'ng dalawa lang. Ayoko'ng ipahamak ka at maging dahilan ng away niyo."
Hindi ako nagsalita.
"Dito ka lang muna, may kukunin lang ako sa bahay."
"Huh?"
Ngumiti siya.
"Andiyan lang sa malapit ang bahay ko. Sandali lang, babalik ako."
"Sige."
Bumalik nga si Stan na may dala'ng hoody na jacket. Tumatakbo pa siya pabalik sa'kin. Bakit? Ano'ng ginagawa mo, Stan?
"Isuot mo muna 'to."
"Bakit?"
"Mahirap na, baka may makakita sa'yo na kakilala mo o ng asawa mo. Baka kung ano pa ang isipin."
Ginagawa rin ba 'to ni Kevin kay Monique?
"Salamat."
Bumaba ako ng kotse na may suot na jacket at nasa loob ng bulsa sa harapan ang dalawa'ng kamay ko.
Umupo kami ni Stan sa hood ng kotse.
Inayos ni Stan ang hood ng jacket sa ulo ko. Tinago talaga niya ang mukha ko.
Ngumiti siya nang tingnan ko siya.
“Sige na. Iiyak mo na ‘yan.” panghihikayat niya habang nakangiti.
Kumunot ang labi ko't yumuko.
Tuluyan na nga ako'ng umiyak na parang bata.
(S T A N)
Nang masaksihan ko'ng umiiyak na naman si Hani, mas lalo'ng nadadagdagan ang galit na nararamdaman ko para kay Kevin at maging sa sarili ko na rin. Galit ako kay Kevin dahil hindi niya alam kung ga’no kalaki'ng panghihinayang ang mararamdaman niya kapag nawala si Hani sa kanya, at gago siya dahil paulit-ulit lang niya'ng sinasaktan ang babae'ng mahal ko. Galit din ako sa sarili ko dahil minsan sa buhay ni Hani ay nasaktan ko rin siya. Kung sana hindi ako pumayag sa pustahan nun, sana hindi ko siya nasaktan at sana hindi kami nagkalayo. Siguro ngayon hindi siya nasasaktan dahil sa asawa niya, siguro ngayon ako 'yun'g minamahal niya.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...