Chapter 37: She's Gone

1.5K 24 3
                                    

(K E V I N)

Nag-drive thru kami ng pagkain pauwi ng bahay. Sa biyahe na rin niya kinain ang parte niya. Marami siya'ng ginawa para lang maiwasan na kausapin ako o 'yun'g nangyari sa tuktok ng Japanese Garden. Halata'ng naiilang siya sa ginawa ko'ng paghalik sa kanya.

   Tama ba 'yun'g nakawan ko na naman siya ng halik? Nagalit ba siya sa ginawa ko?

   Tahimik ako'ng nakasunod sa kanya sa oras na naglalakad na kami paakyat ng hagdan.

     "Good night." ako ang una'ng nagsalita. Pahakbang na'ko papunta'ng kwarto ko, nakahawak naman siya sa doorknob ng kwarto niya.

   Tiningnan niya 'ko.

   May lungkot sa mga mata niya. Akala ko nun nabastos ko siya. Hindi ko alam na may iba pa pala'ng dahilan ang titig na 'yun.

     "Salamat. Sobra'ng salamat sa araw na 'to." she was sincere.

     "Ha?" may kakaiba sa titig niya'ng 'yun. Hindi ko siya maintindihan kung bakit.

   Napangiti siya saglit.

     "Pinasaya mo 'ko sa araw na'to. Hindi ko makakalimutan ang araw na nilaan mo para samahan at pasayahin ako."

   Nginitian ko na naman siya.

     "Napasaya mo rin ako, Hani."

     "Ows? Talaga?"

     "Ba't ba ayaw mo'ng maniwala?"

   Ngumisi siya.

     "Oo na, naniniwala na ako." napatitig uli siya sa'kin saglit, "Thank you rin pala sa kiss."

   Namula ako sa sinabi niya.

     "Eh ikaw. Ano'ng gift mo sa'kin?" I flirted again.

     "Huh?"

     "Wala rin ba ako'ng kiss?" pilyo'ng tanong ko.






( H A N I )

Natigilan na naman ako at napalunok. Yumuko muna ako at hindi sumagot. Pero naisip ko, huli'ng beses ko na nga pala siya'ng makakasama kaya siguro okay lang kung halikan ko rin siya.

   Tiningnan ko muli si Kevin. Mabilis ako'ng humakbang palapit sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. Napatingkayad pa talaga ako para maabot ng labi ko ang pisngi niya.

     "Thank you, ulit." at nagmadali na ako'ng pumasok ng kwarto.

   Sinandal ko agad ang likod ko sa pintuan.

   Napahawak ako sa dibdib ko na kumakabog sa kilig.

   Matamlay ako'ng ngumiti nang maalala ko na ang kiss na 'yun ang huli'ng bahagi ng kabanata'ng 'to sa buhay ko.

   Bumuntong-hinga ako sabay hakbang palapit ng kama at umupo.

   Napangiti ako habang inaalala ang mga sinabi ni Kevin sa'kin sa araw na 'yun. Hindi nagkasundo ang luhaan ko'ng mga mata sa ngiti na ginagawa ng labi ko. Naging malabo na ang paningin ko, mas mahirap huminga kapag pinipigilan mo ang luha mo na bumagsak.

   Ang sakit at ang bigat sa dibdib.

   Pinikit ko ang mga mata ko sabay buntong-hinga. Kinuha ko na rin ang bag na nasa aparador at nilagay sa ibabaw ng kama.

   Wala'ng tigil sa pagbagsak nang mga luha ko habang binubuksan ang zipper nito. Tumayo ulit ako para kunin ang mga damit ko't ilipat sa nakaabang na bag.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon