4.1

1.3K 23 0
                                    


( H A N I )

Nakatitig lang ako sa mga iba't iba'ng klase ng karne sa grocery store. Pumapasok din sa ilong ko ang amoy nito.

     “Ano ba'ng lulutuin ko?” tanong ko sa sarili.

   Ang hirap pala.

   Bumuntong-hinga ako at naghanap na nang mga kakailanganin. Binilisan ko nalang ang bawat galaw ko kasi nga may hinahabol ako'ng oras. Para ako'ng nasa Amazing Race.

   Pag-uwi ko na ng bahay ay agad ko'ng ni-marinate ang binili ko'ng liempo para sa gagawin ko'ng fried liempo.

   Habang hinahayaan ko muna'ng manuot ang marinated mixture sa liempo ay nilinis ko muna ang sala.

   Pinupunasan ko na ang picture frame na may nakalagay na picture ni Kevin at hindi ko mapigilan'g maasar.

     “Ba’t ka nakangiti nang ganyan? Inaasar mo na naman ako? Ikaw ah?  Pasalamat ka talaga may dahilan kung bakit pumayag ako at sumunod sa gusto mo! Hmp! Naku!” asar na asar talaga ako.

   Nahagip nang paningin ko ang suot ko'ng singsing. Bigla ako'ng may naalala.

     “Biyernes nga pala ngayon, kung ganun isa'ng linggo na kami'ng kasal. 11 months and 3 weeks nalang matatapos din 'to.”        

   Eksakto'ng may nag-doorbell. Napatingin ako sa labas ng bahay at iniwan muna ang hawak ko'ng pamunas sa sahig ng sala upang pagbuksan ang nasa labas ng gate.

   Isa'ng nakangiti'ng Mama Danita ang bumungad sa’kin.

     “Mama, buti at dumating kayo.” nabunutan ako ng tinik nang makita siya.

     “Siyempre, para sa baby girl ko.”

   Mas lalo ako'ng ngumiti, talaga'ng gumaan ang loob ko nang makita ko si Mama.

     “Pasok na po tayo.” paanyaya ko sa kanya.

     “Sige, baby girl.”

    

“Ma, tatapusin ko po muna 'to'ng pagpupunas ng mga gamit.” ang sabi ko pagkapasok namin sa bahay.

     “O sige, baby girl, dun na ako sa kusina ha? Sisimulan ko nang mag-prepare.”

     “Sige po, susunod din po ako agad.”

   Nagpatuloy ako sa paglilinis, si Mama naman naging busy na sa kusina. Excited ako sa gagawin niya'ng dessert. 

   Binilisan ko ang paglilinis para masimulan ko na rin ang pagluluto. Nang patapos na'ko'y napasulyap ulit ako sa picture ni Kevin.

     “Hmp!” nabwesit na naman ako at inirapan ang picture ng ulupong.

   Matapos ko'ng ayusin ang huli'ng gamit na pinunasan ko ay tumayo na ako at papunta na sana ng kusina kaso bigla'ng tumunog ang telepono. Bumalik ako sa paglalakad at sinagot ang kung sino man'g tumatawag.

     “Hello, Romero’s residence.”

     “Hani, tapos na ba 'yun'g pinag-uutos ko sa’yo?”

   Si Kevin ulupong lang pala.

     “Nagluluto pa ako, pero tapos na ako'ng maglinis.” wala'ng gana ko'ng sagot.

     “Buti naman.”

   Umikot ang mata ko at nilalaro ang wire ng telepono.

     “7:30 pa naman kayo dadating diba?”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon