(K E V I N)
Ilan'g araw bago ang business event na gaganapin sa hotel namin ay naging abala ako sa mga final preparations kaya medyo late na ako'ng nakakauwi ng bahay. Kapag nakauwi na ako, tulog at nakahilik na si Hani sa kwarto kaya hindi ko na tuloy siya naasar. Dalawa'ng buwan din kami'ng nag-prepare ng staff ko para sa big event na’to kaya dapat wala'ng pumalpak dahil marami'ng press ang darating—libre'ng advertisement na rin ‘to para sa kompanya kaya dapat maging successful ang event namin.
Isa'ng gabi bago ang big business convention, pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko'ng papaakyat ng hagdan si Hani na may dala pa'ng gatas. Napatigil siya bigla sa paglalakad at tiningnan ako.
“Ba’t gising ka pa? Alas onse na ng gabi ah.” sabi ko.
“Hindi pa kasi ako tapos mag-aral, sa Huwebes na ‘yun'g mid-term exam namin kaya nag-aaral ako ngayon.”
Nilapitan ko siya para masigurado ko kung tama ba ang akala ko.
“Inaantok ka na noh?”
“Ha?”
“Namamaos na ‘yan'g boses mo, matulog ka nalang.”
“Hindi pa nga pwede.”
“Pero kailangan mo rin'g magpahinga, may laman nga ang utak mo pero bumibigay naman ang katawan mo. Talo ka pa rin dun. Kaya inumin mo na ‘yan'g gatas at matulog ka na. Bukas ka nalang mag-aral ulit.”
“Pero Kev—”
“Sundin mo na nga lang ako, para sa ikabubuti mo rin naman ‘to'ng sinasabi ko. Kung nandito rin si Mama, panigurado ito rin ang sasabihin niya sa’yo.”
Napaisip si Hani at bumalik na nga lang sa kusina habang iniinom ang gatas. Umakyat na rin ako at pumunta sa kwarto namin para magbihis.
Paglabas ko ng banyo ay kakapasok lang rin niya sa kwarto.
“Magpahinga ka na.” utos ko sa kanya.
Tumango siya at sinara ang nakabukas na libro niya na nasa study table at lumapit sa kama at humiga.
“Eh ikaw? Matutulog ka na ba?” tanong niya sa’kin.
“Oo, kailangan'g maaga ako'ng pumunta sa hotel bukas.”
“Bakit?”
“Bukas na ‘yun'g big event na sinabi ko sa’yo nun.”
“Ah, diba matagal niyo nang pinagplanuhan 'yun?”
“Oo, at bukas na talaga ang event kaya kinakabahan ako. Marami'ng malalaki'ng business tycoon ang nandun. Kinakabahan ako para sa safety nila. Sana wala'ng aberya.”
“Kaya niyo ‘yan. Magaganda naman 'yun'g ideas ng staff mo nang nag-uusap kayo habang nagdi-dinner rito sa bahay. Kaya panigurado successful 'yun.”
Ngumiti ako.
“Salamat sa positive outlook.” sabi ko sa kanya.
Ngumiti rin siya at napahikab.
“Matutulog na ako, magpahinga ka na rin.” sabi pa niya ulit.
Tumango ako.
“Good night.” sabi niya habang nakapikit at tumagilid na sa paghiga.
“Good night.” sagot ko pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at humiga na sa tabi niya.
( H A N I )
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...