(K E V I N)
Matapos ko'ng hugasan lahat ng mga nagamit namin ni Hani sa pagbi-bake ay sinara ko na rin lahat ng pintuan at bintana. Sinigurado ko rin'g patay ang mga ilaw bago ako umakyat papunta'ng kwarto.
Pagpasok ko ng kwarto ay nadatnan ko si Hani na naglalaro sa cellphone niya. Seryoso na naman siya sa ginagawa niya.
Dumiretso ako sa walk in closet namin para kunin ang regalo ko sa kanya.
Nilagay ko agad ang gift bag sa tabi niya.
“Ano ‘yan?”
“Gift ko.”
“Para sa’n?”
“Birthday gift ko para sa’yo.”
“Ha? Eh diba tapos na ang birthday ko?”
“Alam ko. Pero wala ako'ng material na bagay na nairegalo sa’yo diba?”
"Hindi ko naman kailangan 'yun."
"Ano'ng gusto mo'ng gawin ko? Itapon nalang 'yan?"
“Fine, fine. Eh ano naman'g material na bagay ‘to?”
“Buksan mo nalang.”
“Asus, nahiya pa ‘to.” nakangiti'ng sabi niya sabay kuha sa gift bag.
Nilabas niya sa bag ang kahon na may lama'ng carousel at unti-unti rin'g lumabas ang bungisngis niya—ang bilugan niya'ng mga mata nagningning talaga.
Napangiti rin ako at umupo sa kama.
“Nagustuhan mo ba?”
“Woahhh, ang ganda nito. Sa’kin ba talaga ‘to?” hindi ko basta'ng maipaliwanag ang saya na nakita ko sa mukha niya sa gabi'ng 'yun.
Tumango ako kaya mas lalo siya'ng ngumisi at binuksan ang kahon na parang bata'ng nakatanggap ng dollhouse.
“Hala. Wow! Ang ganda-ganda-ganda nito!” tuwa'ng tuwa talaga siya. She was giggling in between.
Pinigil ko ang mangiti. I had to put up a cold face.
Tiningnan niya 'ko.
“Gumagalaw ba ‘to?” tanong pa niya.
“Oo. Kalabitin mo lang 'yun'g button sa ibaba.”
Kinalabit nga niya agad ito. Nag-ilaw nga ang carousel at nagsimula'ng umikot ang mga kabayo.
“Wooow." ila'ng beses na Wow na ang nasabi niya kaya tuwa'ng tuwa rin ako sa loob-loob ko.
"Astig na astig 'to ah. Sa’n mo nabili ‘to?”
“Sa tindahan.”
Nabura ang ngisi niya. Lalapain na naman niya ako sa titig pa lang niya.
“Ang specific naman. Try mo kaya 'yun'g medyo malabo'ng sagot.” sarkastiko niya'ng sagot.
“Wag ka nalang kasi'ng magtanong.”
“Pa-sikre-sikreto ka pa. Siguro ninakaw mo lang ‘to noh?”
“Ba’t ko pa kailangan'g magnakaw? May ari kami ng mga hotel tapos magnanakaw lang ako? Mag-isip ka nga.”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...