(K E V I N)
Magmula nga nang bumalik si Monique ng bansa ay naging abala ako sa pagsama sa kanya. Parang isa'ng kamag-anak na inaasikaso ang balikbayan niya'ng kapatid. Ayoko'ng isipin ni Monique na hindi ako masaya sa pagbabalik niya. Hangga't kaya ko, ayoko na siya'ng masaktan. Minsan ko nang nagawa sa kanya 'yun, at iniiwasan ko'ng paiyakin ulit siya.
Bagay na nagsimula nang agwat sa'min'g dalawa ni Hani. Mas nabigyan ko ng atensyon si Monique kesa sa kanya.
"Mukha'ng napapadalas na ata ang punta mo rito ah.” puna ko kay Monique nang dumating siya sa opisina ko Lunes ng hapon.
“Why? Ayaw mo ba?”
“Wala naman ako'ng sinasabing ganun.”
“Good. Akala ko ayaw mo na ako'ng makita, magagalit talaga ako 'pag nangyari yun.”
Ngumiti ako.
“By the way, may kinainan kami ni Tita Melinda kagabi na isa'ng fine resto sa Makati and masarap 'yun'g dishes nila. Gusto ko sana'ng bumalik dun kasama ka. Let’s have dinner together.”
“Ngayon?”
“Yup.”
“Pero kasi—”
“Wag mo'ng sabihin'g tatanggihan mo 'ko?”
“Baka kasi gumastos ka pa nang malaki.”
“Don’t mind the money, hindi rin naman ako nagtitipid.”
“Pero...”
“Please. Wala kasi ako'ng kasama'ng mag-dinner.” desidido siya na kumbinsihin ako.
Pero si Hani.
Baka kung ano na naman ang isipin nun. Isa pa, natamaan ako sa sinabi niya sa'kin sa nagdaan'g araw. Tama naman siya na palagi na kami'ng magkasama ni Monique magmula nang umuwi ito.
Iniiwasan ko na mag-isip siya ulit nang ganun.
“Ganito nalang, dun ka magdinner sa bahay namin.” ang naisip ko'ng solusyon.
“Huh?”
“Hindi ka pa nakakapunta ron, diba? At gusto ko rin'g ibida sa’yo 'yun'g luto ni Hani, magaling magluto 'yun at baka makalimutan mo 'yun'g pagkain na natikman mo sa isa'ng fine resto.”
Napaisip si Monique.
Hindi naman siguro siya tatanggi diba?
“Sige. Para naman makapunta rin ako sa bago'ng bahay na tinitirhan mo.” pagsang-ayon niya sa suggestion ko.
“Hintayin mo nalang ako mamaya after work. 6:30 ang alis ko.”
“Babalik nalang ako, dun muna ako sa salon ng kaibigan ko, remember Alana?”
“'Yun'g close friend mo nung third year high school?”
“Yup.”
“Sige.”
“See you later.”
( H A N I )
Kumakain ako ng mani sa terrace habang nakikipagpalitan ng texts kay Ces. Para talaga'ng baliw ang babae'ng ‘yun, kung ano-ano'ng mga kadramahan tungkol sa lovelife niya ang pinagsasabi niya sa’kin. Mas nakakatuwa naman 'yun'g lovelife niya kesa sa’kin na wala'ng katuturan kundi puro pagseselos at pagtatago nang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...