( H A N I )
Dalawa'ng araw ng wala si Kevin sa bahay. Ayoko na rin sana'ng umuwi sa bahay namin, wala naman ako'ng kasama, wala na naman. Siguro ganito nga ang kapalaran ko, ang maiwan'g mag-isa.
Sa pangalawa'ng araw na ako lang mag-isa sa bahay ay naisipan ko'ng umalis at puntahan si Ces sa burger joint. Tinapos ko na muna ang paglilinis tutal day shift naman si Ces at mamaya'ng alas siyete pa ng gabi ang off niya.
Alas sais ng gabi, pinuntahan ko si Ces sa burger joint. Nang makita ko siya ay agad ako'ng kumaway na may ngiti sa mukha ko.
"Hello." masaya'ng bati ko.
"Ba't ka nandito?" tanong niya.
"Ang sakit naman ng tanong mo."
"May problema ka na naman ba?"
"Oo." masigla at diretso ko'ng sagot.
"Ang sigla mo. Baliw ka na?"
Ngumiti ako at sumagot.
"Tara, samahan mo 'ko."
"Sa'n?"
"Magpapakabaliw."
"Hoy, ano 'yan'g binabalak mo?" nagbabanta siya gamit ang tingin.
"Relax lang. Diba best friend kita? Kaya sige na samahan mo na ako, 'pag may nangyari'ng masama sa'kin baka makonsensya ka pa."
"Hoy, gaga ka. Nangonsensya ka pa."
"Sige na. Minsan lang naman ako maglambing."
Tinitigan niya 'ko. Hindi ko winala ang ngiti ko kaya mas lalo'ng kumunot ang noo niya.
"O siya sige, tara. Sa'n ba?"
"Basta."
Dinala ko nga si Ces sa isa'ng sikat na gimikan sa may Katipunan St. Maaga pa lang kaya hindi pa ganun karami ang mga tao.
Nasa labas pa nga lang kami ay hinila na ako pabalik ni Acesia.
"Aray-aray-aray naman, Ces! 'Yun'g braso ko naman dahan-dahanin mo." pagrereklamo ko sa kanya.
"Naboang najud ka sa? Balak mo ba'ng ibenta 'yan'g kaluluwa mo dahil lang sa heartbroken ka sa so-called husband mo?"
Kumunot ang noo ko at napakamot sa likod ng tenga habang pinipigil ko ang pagtawa.
"Ano ba 'yan'g mga imagination mo?"
"Ba't ba dito tayo pumunta?"
"Maglalasing tayo."
"Hoy, kailan ka pa natuto'ng uminom?"
"Nung kapapanganak pa lang sa'kin." pamimilosopa ko, agad ako'ng binatukan ni Ces.
"Ano ba?!" naisagot ko.
"Magseryoso ka kasi."
Bumuntong-hinga ako.
"Ngayon pa lang. Kaya nga eta-try ko diba?"
"Ano? Maglalasing ka sa bar na 'yan? Ang ingay-ingay diyan, marami'ng mga pa-cool diyan. Gaga ka, baka mapamak-"
"Maaga pa naman. Tyaka, hindi naman lahat nang nag-ca-club pa-cool na. Sa mga palabas lang yan sa TV, kaya ta—"
"Tigil-tigilan mo 'ko, wala ka'ng alam sa mukha ng loob ng bar maliban sa nakikita mo sa TV. Kaya hindi, hindi tayo papasok. Uuwi tayo."
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...