( H A N I )
Mabilis ko'ng tinapos ang mga gawain'g bahay sa araw na ‘yun dahil balak ko'ng umalis at maglakad-lakad sa kahit saan'g lugar. Binalikan ko ang mga daan na palagi ko'ng dinadaanan nung mga panahon'g si Hani Mirasol pa ako. 'Yun'g Hani na wala pa'ng nakikilala'ng Kevin Romero, 'yun'g buhay ko na sobra'ng simple at tahimik. Wala na nga ako'ng problema sa pera at sa matutuluyan pero problema ko naman ngayon 'yun'g puso ko. Kahit kailan talaga, hindi mawawala ang problema sa buhay ng mga tao.
Sa paglalakad ko, nakita ko ulit 'yun'g tindero ng sigarilyo na naging kaibigan ko noon.
Napangiti ako at nilapitan siya.
“Kumusta ho, Kuya?” nakangiti'ng tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako.
“Hindi niyo na ho ba ako naalala?”
“Naging girlfriend ba kita?”
Natawa ako at tinabihan si Manong.
“Hindi po.”
“Eh ba’t pinapansin mo 'ko?”
“Ako ho 'yun'g babae'ng gusto'ng maging presidente.”
Napaisip siya hanggang sa bigla siya'ng ngumiti nang titigan ako.
“Tama! 'Yun'g nagsabi na pag-iipunin mo nang isa'ng piso kada araw ang lahat ng tao?”
“Oho, ako ho 'yun.”
“Kumusta ka na, ineng?”
“Ito ho. Ayos lang.”
“Mukha'ng umasenso ka na ah, at hindi ka na medyo payat.”
Ngumiti ako at hindi nagsalita.
“Kumusta naman ang pangarap mo'ng maging presidente?”
“Wala na ho 'yun, Kuya. Hindi ko na ho pangarap 'yun. Ang dami-dami'ng problema ng isa'ng presidente, eh ako nga, 'yun'g problema ko ngayon hindi ko pa malutas-lutas. Pa’no pa kaya kung ang problema na nang buo'ng bansa? Baka ako ho 'yun'g kauna-unahan'g presidente in Philippine history na nabaliw dahil sa stress.” may luha ang mga mata ko.
“Sa tono nang pananalita mo. Mukha'ng sa puso ang problema mo, ineng.”
“Ho? May alam ho pala kayo sa tono nang mga pananalita. Talent 'yan Kuya, ipagpatuloy mo.” pagbibiro ko.
“Ang laki siguro ng problema mo sa pag-ibig ano?”
“Po?”
“Alam mo, ineng— ang tagal ko nang nagpabalik-balik sa pag-upo rito buo'ng maghapon. Marami na ako'ng nakikita at nakakasalamuha'ng tao. At alam mo ba na napapansin ko? 'Yun'g mga tao'ng masayahin at mahilig magpatawa? Sila 'yun'g may mabibigat na dinadala.”
Yumuko ako at nagsimula nga'ng umiyak sa isa'ng pampubliko'ng lugar. Wala ako'ng paki sa sasabihin ng iba.
“Yun'g lalaki'ng mahal ko ho kasi—" napalunok ako, nanginginig na rin ang baba ko sa grabe ng emosyon.
"M-may iba ho siya'ng mahal. Hindi ko alam kung ipaglalaban ko ho ba siya o hahayaan ko nalang siya sa babae'ng mahal niya.”
“Love is about sacrifices.” tangi'ng sagot nya.
“Ho?”
“Kung mahal mo siya, kaya mo'ng magsakripisyo, sumaya lang siya. Hindi pagpapakatanga ang tawag kung magsasakripisyo ka, pagmamahal 'yun, ineng.”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...