Chapter 9: Him comforting Her

1.3K 22 0
                                    

(K E V I N)

September, 2009. Mahigit sa tatlo'ng buwan na rin kami'ng kasal ni Hani. Tatlo'ng buwan na mas marami'ng awayan at bangayan kesa sa pagkakasundo. Saka lang naman kami nagkakasundo kapag may sakit siya o kung may kailangan siya sa’kin. Unti-unti na namin'g nasasanay ang sarili namin sa set-up na meron kami. Hindi man kami namumuhay gaya ng mga ordinaryo'ng mag-asawa, at least hindi rin naman namin pinapabayaan ang isa’t isa. Hindi man kami nagmamahalan, at least may friendship naman kami at 'yun ang naging pundasyon ng pagsasama namin.

   Isa'ng gabi sa pagsasama namin, nagising ako dahil sa ingay ng kutong-lupa ko. Hindi 'yun ingay galing sa hilik, kundi ingay ng isa'ng umiiyak na tao. Natakot talaga ako nang makita ko'ng umiiyak siya habang tulog kaya agad ako'ng bumangon at ginising siya.

     “Hoy, Hani, Hani, gising!” pag-aalala ko.

   Nagising nga siya ilan'g saglit ang lumipas. Ang bilis ng kabog sa dibdib ko nun.

   Nang makita niya ako pagmulat ng mga mata niya ay agad siya'ng bumangon upang yakapin ako at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak.

     “Nananaginip ka lang.” pagpapakalma ko sa kanya habang umiiyak siya'ng nakayakap sa’kin.

   Una'ng beses siya'ng umangkla sa'kin na parang bata'ng takot na takot.

   Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

     “Kukuha lang ako ng tubig.”

   Tumango siya pero umiiyak pa rin. Pula'ng pula ang ilong, mugto ang bilogan'g mga mata, basa'ng basa ang mga pisngi niya.

   Hindi ko talaga alam ang dahilan ng pag-iyak niya, pero 'yun ang una'ng pagkakataon na nakita ko siya'ng sobra'ng umiyak.

   Talaga'ng nasasaktan siya.

   Nang makita ko ang mga luha niya at nang maramdaman ko ang yakap niya, parang may kung ano'ng bumangga sa puso ko—gusto ko'ng gawin lahat para matigil na ang pagluha niya. Ayoko'ng nakikita siya'ng ganun, ayoko'ng nakikita siya'ng nasasaktan.

   Sigurado ako sa sarili ko na ayoko'ng makita siya'ng nasasaktan.

  








Bumalik ako ng kwarto at binigay kay Hani ang isa'ng baso ng tubig. Matapos niya'ng uminom ay umupo na rin ako sa kama at tinanong na siya sa nangyayari sa kanya.

     “Ano ba kasi'ng napanaginipan mo?”

     “Si Mamang at Papang.”

     “Bakit?”

     “Iniwan daw nila ako, gusto ko sila'ng habulin pero 'di ko magawa, hindi ako makakilos.” naiiyak na naman niya'ng pagkukwento.

     “Binabangungot ka lang, ayan kasi natutulog ka'ng puno'ng-puno ang tiyan mo.” pinipilit ko'ng pagaanin ang loob niya pero talaga'ng apektado siya sa naging panaginip niya.

     “Pa’no kung galit sa’kin ang mga magulang ko?” tanong niya habang nakayuko at patuloy sa pag-iyak.

     “Ba’t naman sila magagalit sa’yo?”

     “Kasi nagsisinungaling ako sa marami'ng tao.”

     “Nagsisinungaling? Tungkol sa kasal natin?”

   Tumango siya habang sumisinghot.

     “Totoo naman'g kasal tayo diba?”

     “Pero akala nila mahal natin ang isa’t-isa, at hindi nila alam na maghihiwalay lang tayo sa susunod na taon.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon