13.1

1.1K 23 1
                                    

(K E V I N)

Abala ako sa trabaho nang dumating si Monique na may dala'ng iced coffee.

     “Wow, ang sweet naman.” sabi ko nang nilapag na niya sa mesa ko ang dala niya'ng kape.

     “I am naturally sweet, Kevin.” umupo siya sa harap na upuan ng table ko.

     “Alam ko.”

     “Inumin mo na ‘yan. Ang sabi sa’kin ni Lani, marami ka raw'ng meetings ngayon, marami ba'ng nagpapabook ng events?”

     “Hindi naman, pero marami'ng mga gusto'ng mag shoot dito ng debut o prenuptial photos.”

     “Sobra'ng ganda rin naman kasi ng hotel na’to at mababait ang staff. Lalo'ng lalo na ang general manager, hindi lang mabait, gwapo pa.”

     “Yan ba ang natutunan mo sa Canada ha? Mukha'ng naging bachelorette ka na sa pambobola.”

     “Duh. I wasn’t just fooling you.”

   Ngumiti ako at binuksan na ang kape'ng bigay ni Monique.

     “Cheers.” sabi ko sa kanya.

     “Oh. Cheers.” nakangiti niya'ng sagot.

   Kapag kasama ko si Monique, parang wala'ng nagbago. Kagaya pa rin kami nang dati, pareho pa rin ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Para kami'ng magkasintahan na parang hindi.


Sa biyahe ko pauwi, dumaan muna ako sa isa'ng convenient store para bumili ng chocolates para kay Hani. Ilan'g linggo ko na rin kasi'ng hindi napupuno ng tsokolate ang basket na para sa kanya—medyo naging busy na ako kasama si Monique. 

   Nang umuwi na ako ng bahay ay nadatnan ko'ng nakaupo lang siya sa isa'ng baitang ng hagdan habang nakapangalumbaba.

     “Hoy, nakakapagdala ng malas ang ganyan.” sita ko sa kanya.

     “Kahit naman hindi ako gumanito, darating at darating pa rin naman ang malas sa buhay. Hindi naman pwede'ng palagi nalang swerte, nakakabagot kaya 'yun'g ganun.” sagot niya.

   Nagtaka ako sa sinabi niya, ano na naman kaya'ng teleserye ang napanuod niya o narinig sa drama sa radyo at nagkaganun siya?

     “Ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

   Tumingin siya sa’kin at ngumiti.

     “Ok lang.”

  Tumayo siya't pumunta na ng kusina.

   Hinatid siya ng mga tingin ko. Mukha'ng ayos lang naman siya.

   Kumibit-balikat nalang ako at umakyat na para magbihis.

     




“Hani, may binili nga pala ako'ng mga chocolates.” sabi ko sa kanya nang naghahapunan na kami, para naman makita ko'ng sumigla ulit sya.

     “Salamat.” tanging sagot niya. Akala ko, 'Huh?! Talaga? Asa'n?! Madami ba?' ang isasagot nya. Kaso hindi.

     “Nagsasawa ka na ba sa mga chocolates?”

     “Huh?”

     “Hindi ka ata natuwa, dati-rati naman kapag naririnig mo ang pangalan'g tsokolate, ngumingiti ka na agad.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon