3.1

1.4K 22 0
                                    

(K E V I N)

Papatulog na dapat ako nang mapansin ko'ng nakatulala si Hani sa harap ng laptop nito. Napangiti ako at ginulat na naman siya. Sa sobra'ng gulat nito ay nahampas niya ang balikat ko.

"A-ray!" reaksyon ko habang hinahawakan ang braso ko'ng hinampas ng kutong-lupa.

Nakakunot ulit ang noo niya habang nakatitig sa'kin.

"Ano ba kasi'ng iniisip mo?" tanong ko.

"Wala!" masungit niya'ng sagot.

"Pwede ba 'yun?"

"Kailangan ba talaga sabihin ko sa'yo lahat ng iniisip ko?"

"Kung ayaw mo'ng magsalita eh di 'wag!"

"He! Lumayo ka nga."

"Bahala ka." sagot ko at bumalik na ako sa kama.

Kumuha ako ng isa'ng unan, tinapon kay Hani at nasapol ang ulo niya. Inis na naman'g lumingon ang kutong-lupa at hinamon pa ako. Oo, siya pa ang naghamon sa'kin.

"Ano? Gusto mo talaga ng gulo ah?" mataray niya'ng paghahamon.

"At ikaw pa talaga 'to'ng naghamon?"

"Che!"

Napangiti ako nag, "Bleh." sa kanya para lalo siya'ng asarin.

"Kaasar!" pikon niya'ng reaksyon at bumalik na sa pagtitig sa laptop niya.

Ngumiti ako sarcastically at humiga na pagkatapos.


( H A N I )

Habang nasa klase ako sa loob ng Jacksbridge, nakatitig lang ako sa wrist watch ko at nag-countdown.

"10 seconds nalang, sige pa, takbo pa nang mabilis." bulong ko habang tinitingnan ang kamay ng orasan. Eh nakakainis kasi, buryo'ng-buryo na talaga ako sa subject na 'yun. Major subject ko nga 'yun pero nakaka-stress kaya gusto ko nang matapos at isa pa, kailangan ko nang umuwi ng maaga para masimulan ko na ang paglalaba na siya'ng inutos sa'kin nang magaling ko'ng asawa'ng ulupong.

Nang marinig ko na ang bell ay napangiti ako, sa wakas hindi ako tinawag sa oral exam.

Agad ako'ng tumayo at kinuha ang bag ko at dali-dali'ng lumabas ng pintuan.

"Hani, ba't ka ba nagmamadali'ng umuwi?" tanong ni Bree sa'kin.

Lumingon ako at bumuntong-hinga.

"Kailangan ko pa'ng maglaba."

"Ha? Wala ba kayo'ng maid?"

"Hay naku, Bree, bago'ng kasal pa sina Hani, siyempre kailangan nila ng super privacy, pampagulo lang 'yan'g mga maid-maid na 'yan, diba Hani?" sagot ni Lea.

"Huh?" gulat ko'ng reaksyon at mahina ako'ng tumango, "Ganun na nga."

"O see?" sabi ni Lea.

"Oo nga pala noh? So from now on pala hindi ka na makakasama sa mga lakad natin?" tanong ulit ni Bree.

"Sasama naman ako kapag pwede."

"At kailangan mo rin'g magpaalam sa asawa mo para iwas gulo." sabat ulit ni Lea.

Napilitan ako'ng ngumiti.

Tama, kailangan ko'ng magpaalam kay Kevin. Hindi lang naman basta-basta'ng gulo ang nangyayari sa'min, kundi talaga'ng world war. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan'g world war na namin ang susunod na awayan, if ever mag-away kami. Ay hindi pala if ever, for sure pala. Mag-aaway kami for sure. Tama.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon