( H A N I )
Dalawa'ng linggo ang lumipas, sa paghihintay ko ng jeep ay may tumabi'ng lalaki sa’kin na sa pakawari ko'y kilala ko. Nang sulyapan ko kung sino ‘yun ay bigla ako'ng napangiti.
“Pwede ba kita'ng samahan?” si Stan.
Hay, Stan. Knight in shining armour talaga kita.
“Sige.”
“Hindi ka pala sinusundo ni Kevin?”
“Hindi, hanggang 4:30 kasi 'yun'g klase ko tapos alas siyete na siya nakakauwi ng bahay kaya wala'ng oras para masundo niya ako.”
Tumango-tango si Stan.
Hindi rin naman tiyak ang oras ng pag-uwi ni Kevin sa trabaho. Minsan uuwi siya ng hati'ng gabi, minsan naman maaga siya—alas sais ng hapon ang tinutukoy ko na maaga. Kaya minsan lang kami'ng nagkikita kahit na magkasama kami sa iisa'ng bahay. Kapag magkasama naman kami, lahat ata ng action stunts ginagawa na namin para asarin ang isa't isa. Sapakan, sabunutan, head lock, tadyakan, sikohan. Wala kami'ng pakialam sa kasarian ng isa't isa—kahit na babae at maliit ako kumpara sa kanya, mabigat naman ang mga kamay ko at matatag ang loob ko. Napaka-brutal lang namin kapag magkasama, at kahit na ganun, patuloy ko pa rin'g minamahal ang gago'ng 'yun.
“May jeep na, tara sakay na tayo.” nasabi ko kay Stan noon'g may pumara'ng jeep sa tapat namin.
Magkatabi pa kami'ng dalawa sa loob ng jeep, at kapag may sumasakay at nagkakasiksikan ay naglalapit lalo ang mga balat namin'g dalawa ni Stan.
Tumingin ako sa kanya at sabay kami'ng ngumiti—para kami'ng nasa teleserye.
Nang naglalakad naman kami palapit sa gate ng subdivision ay muntikan ako'ng matapilok kasi shushunga rin ako paminsan-minsan. Buti't nahawakan ako ni Stan sa braso, bigla ko tuloy naalala 'yun'g mga panahon na nasa highschool pa kami. Nang muntik ako'ng mahimatay dahil sa pag-iyak ko noon'g mamatay ang Papang ko at ganun din ang ginawa ni Stan, hinawakan niya ang magkabila'ng braso ko para alalayan ako sa paglalakad.
Kapag kasama ko si Stan, pakiramdam ko isa ako'ng prinsesa. Kapag si Kevin naman, para ako'ng mandirigma na kailangan'g alerto dahil ano man'g oras mang-aasar na naman siya.
“Salamat.”
Ngumiti si Stan sa sinabi ko.
Umayos ako sa paglalakad, nakakahiya 'yun'g natapilok ako. Baka isipin ni Stan malamya pa rin ako kahit na ilan'g taon na ang lumipas.
“Hani.”
“Huh?”
“Busy ka ba sa weekend?”
“Hindi naman." sagot ko matapos mag-isip saglit, "Wala naman ako'ng masyado'ng gagawin dahil kakatapos lang nung midterm. Bakit?”
“Yayayain sana kita'ng bumalik sa probinsiya natin.”
“Sa Nueva Ecija?”
“Oo.”
“Ano'ng meron?”
“Birthday ng Lola ko.”
“Ah, si Lola Pasing?”
“Oo.”
“Grabe, ang tibay talaga nung Lola mo’ng 'yun ah.”
“Mataray kasi.”
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...