12.1

1.1K 17 1
                                    

( H A  N  I )

Araw ng Linggo, inutusan ako ni Kevin na mag-alis ng mga damo'ng ligaw sa lawn namin. Habang nakabilad ako sa araw ay nasa tapat ko lang naman ang ulupong at nakapamewang pa. Akala mo naman kung sino'ng haciendero. Ang kapal!

     “Kailangan wala na ako'ng makikita'ng damo'ng ligaw diyan.” sermon ng ulupong habang nakapamewang.

     “Eh di bulagin mo ang sarili mo!” inis na sagot ko.

     “Ano'ng sabi mo?!”

   Tumingala ako at inulit ang sinabi ko.

     “Bulagin mo ang sarili mo para hindi ka na makakita ng damo'ng ligaw!”

     “Aba, at nang-asar ka pa talaga.” habang dinidilatan ako ng mga mata niya, akala niya naman takot ako sa kanya.

     “Mas nakakaasar ka naman.”

     “Huwag ka na nga lang magreklamo!" pagsusungit nya.

     "Teka nga, 'yun'g mga tanim nadiligan mo na ba?” bigla niya'ng natanong matapos niya'ng mapahinto saglit, kaya pala siya napahinto kasi may naisip na naman siya'ng pambwebwesit sa'kin.

     “Pa’no ko madidiligan? Pagkatapos na pagkatapos ko'ng mag-almusal ito na agad ang inutos mo sa’kin.”

     “Iwan mo muna 'yan, magdilig ka muna.”

     “Ba’t di nalang kasi ikaw ang magdilig?”

     “Ikaw ang inuutusan ko tapos ibabalik mo rin pala sa’kin 'yun'g utos?”

     “Oo! Bawal ba?!” pagtataray ko na!

     “Tumahimik ka na nga lang.”

     “He! Basta hindi ako magdidilig, ano ka sinuswerte?”

   Kumunot ang noo ni Kevin.

     “O sige na, ako nalang ang gagawa.” napipilitan sya.

   Nagpalabas ako nang peke'ng ngiti.

     “Very good.”

   Ngumiti rin siya—'yun'g peke, at sabay naming inirapan ang isa't isa.

   Nagpatuloy na'ko sa pagtanggal ng mga damo'ng ligaw, habang siya naman ay palapit sa may gripo.











(K E V I N)

Lumapit ako sa faucet at nilagay ang hose tapos ay nagsimula na ako'ng magdilig ng mga halaman. Napansin ko na tahimik lang si kutong-lupa habang ginagawa ang pagbubunot ng ligaw na damo. Dahan-dahan ako'ng lumapit sa kanya at sinadya siya'ng basain.

   Napatayo si Hani habang nakakunot ang noo. Ngumiti ako at siyempre tinanggi ang ginawa ko.

     “Hindi ko pinlano 'yun." pagkukunwari ko.

     “Ses.” reaksyon niya na may kasama pa'ng snarling lips.

   Bumalik siya sa pag-upo at nagpatuloy sa ginagawa.

   Maya-maya ay napangiti ulit ako at binasa na naman siya ng tubig. 'Di na siya nakapagpigil, tumayo rin siya at kumuha ng isa'ng hose para basain din ako.

     “Hoy, ba’t mo ginawa 'yun?!” tanong ko sa kanya.

     “Hindi ko rin sinasadya 'yun.” pagtanggi rin niya.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon