Chapter 5

130 36 0
                                    

Didecated to: zeneth_13

CHAPTER 5: YAKULT

ANG BILIS lumipas ng mga araw, parang kailan lang. Halos isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang ihatid ako ni Sir Lance sa bahay. He never asked me, why I was uneasy that time pero maaga niya na ako pinapauwi. At exactly 7:00 p.m out na ako.

At saka, why would he'll be bothered to asked me about that things. When the first place and the fact, that I was only his personal assistant. Right?

Alalay niya lang ako. Alalay!

Isa pa, wala kami sa pelikula na agad-agad ma-i-inlove ang boss sa kaniyang personal assistant. Wala sa kalingkingan ni Sir Lance ang gan'on. Walang-wala nga siguro ako sa standards ng mga babaing type ni sir, eh.

At saka, halos araw-araw may dalaw 'yong isang 'yon, eh. Araw-araw parating kalaban ang mundo. Palagi na lang galit sa lahat. Kung makasigaw abot hanggang sa ika-pitong building. Mabuti na lang nga at hindi pa kami ni-re-report ng mga katabi naming building sa pagiging noise pollution ni sir.

Oy, joke lang. 'Wag niyo 'kong isusumbong sa kaniya, ha, please..

At juice-mayo Marimar, aw! Binabawi ko na 'yong sinabi ko last time, noong hinatid niya ako sa bahay. Naalala n'yo? Nagkataon lang ang lahat ng iyon. Bwesit na yan, lagi na lang galit sa 'kin, eh. Lahat na lang nang galaw ko napapansin niya. And take note, halos lahat doon ay mali para sa kaniya. Baka nga kahit paghinga ko, mali pa rin para sa kaniya.

Kaya nga sandamak-mak at sobra-sobrang pasensiya ang ginagawa ko, mga sis para huwag ko lang siyang masagot-sagot. Dahil sa tuwing i-ta-try kong idepensa ang sarili ko. Wow, just wow! Nag-su-super sayan si sir, kaya ang ending kasalanan ko na naman.

Naku-naku-naku naman kasi Sir Lance. Why so sungit ba? Ina-ano ba kita, ha? Lagi na lang mainit ulo mo sa 'kin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin para mamaya sa isang meeting, sa isang sikat na Italian restaurant nang biglang magsisisigaw na naman siya ng pangalan ko.

"Adriaaaaannnnnaaa!!!!!!"

Exaggerated talaga 'to si sir.

Kung makasigaw naman si Sir Lance kasi parang nasa kabilang bundok ako. Eh, nasa labas lang naman ako ng opisina niya. And take note, sa intercom siya sumigaw na naka-kabit sa mesa ko.

Hay, naku-naku talaga!

I thought a 28 years old businessman would be matured, well-mannered and especially not a brat.

Hay buhay.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, hindi ako magtitiyaga sa mokong na 'to. Daig pa ang araw-araw na may dalaw.

Bwiset!

"Hey! Ang sabi ko sa 'yo 'diba, isama mo rito sa bag na black 'yong yakult ko. My goodness! Mahirap bang intindihin 'yon?" singhal niya.

"Pero, Sir, mababasa po 'yong mga gamit ---" 'Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ngunit pinutol niya na agad. Bastosan lang, eh!

"Walang pero-pero. Sino ba ang boss sa 'ting dalawa, huh?

"Next time Ms. Adrianna, just do what I say or else I fire you!" singhal niya na naman sa 'kin. Tsk! Sanay na ako. Ganito naman kami araw-araw.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon