Chapter 15

106 7 0
                                    

Didecated to: Marahuyo_793

CHAPTER 15: PARTY ANNOUNCEMENT

"HUWAG na lang kaya tayong umalis. Dito na lang tayo, honey," malambing na wika ni Lance sa akin habang nakayakap siya sa aking baywang.

Magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa kama. Muling nakapaglinis na ako ng aking katawan at nakapag-ayos ng sarili.

"What? Nababaliw ka ba? Sayang naman itong effort ko," sagot ko sa kaniya.

Napabuga naman muna siya ng hangin bago muling nagsalita.

"Basta, h'wag kang lalayo sa tabi ko. Ayokong mawala ka sa paningin ko. Baka kasi hindi ko mapigilang hindi makasapak doon kapag may lumapit sa iyong ibang lalaki maliban sa akin," nakasimangot nitong pahayag habang mumunting hinahalik-halikan ang aking balikat.

"Promise me," seryosong sabi nito sa akin ng hindi ko siya sinagot.

Natawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka tumatawa?" inis na tanong niya sa akin. Paano ba kasing hindi. Para siyang batang ayaw maagawan ng laruan.

"I'm sorry, honey. I promise, hindi ako lalayo sa tabi mo," malambing na sagot ko sa kaniya. Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis.

"Tss, come on," tanging naging sagot niya. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang paglunok niya ng laway at pamumula ng pisngi. Tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya.

Siya na ang nagbukas ng pinto at inalalayan naman ako nitong makalabas. Pagkatapos ay isinarado niya na ito.

"Baka may makapasok doon?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"Don't worry, honey naka-lock naman iyon sa loob," simpleng sagot niya sa akin.

"Ah, sila yaya Lagring pala?" tanong ko ulit sa kaniya habang nasa elevator na kami pababa sa ground floor.

"They are already sleeping."

"Saang kwarto?"

"Sa isang guestroom, magkasama sila doon ni Kelsi," paliwanag niya.

Ganoon ang naging usapan namin sa buong durasiyon habang nasa elevator kami pababa sa ground floor.

"Tatlo pala ang room sa condo mo?" tanong ko ulit habang naglalakad kami patungo sa kotse niya.

"Opo. Ang dami mong tanong," sagot niya sa akin nang nakangiti.

"Sorry naman. Ngayon ko lang naman nalaman po," sarcastic kong tugon.

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto sa passenger seat at inalalayang makapasok. Umikot naman ito papunta sa driver seat at sumakay pagkatapos nitong maisara ang pinto ng passenger seat.

"It's okay, honey. I want you to know everything about me. Because your so special to me and i love you," he sincerely said while looking into my eyes.

"Y-You love me?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"I thought your just joking because of the fact that you had sex with me. Akala ko, kaya nasabi mo lang iyon kanina ay dahil sa libog at sa sensasiyong nararamdaman mo." Pagpapatuloy ko nang sinasabi ko kanina.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon