Didecated to: zinnccc
A/N: Thank you sa magandang book cover, mahar. 😊 (nasa multimedia)
CHAPTER 8: MEETING ADI'S SONS
"HONEY, I want to meet your children." Pag-uulit niya sa kaniyang sinabi kanina.
Sandali naman akong napamulat-mulat ng aking mga mata at tumitig din sa kaniya ng mariin. Tila may hinahanap na isang bagay sa kaniyang asul na mga mata.
"Seryoso ka ba d'yan?" tanong ko sa kaniya. Mahihimigan mo rin sa aking boses ang tila paninigurado rito.
Baka kasi nagkakamali lang ako sa narinig ko.
"Damn, I am, honey. I never gonna be serious like this before to any other woman. Sa 'yo lang, Adrianna. Ngayon ka pa ba magdo-doubt sa akin?" Huminga muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Stop doubting, honey, please. Because I am damn serious about you. And meeting your children is on my number one list," he said sincerely. He even winked at me and kissed again my forehead.
Pagkatapos niyon ay inihatid niya na ako sa bahay. Mabilis naman kaming nakarating dahil sa wala ng traffic, isa pa'y nasa malapit lang kami ng mga oras na iyon.
Magkahugpong ang mga kamay na bumaba kami ng kaniyang sasakyan. Tila hindi rin mapuknat ang ngisi sa kaniyang labi habang nakatingin sa akin ng mataman.
"Ayos lang bang iwan ko rito itong sasakyan? Wala bang nagkalat ditong mga magnanakaw, carnapper o kaya'y iyong mga notorious na Bukas Kotse Gang?" mayamaya'y tanong niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, walang magtatangkang magnakaw nitong kotse mo rito," sagot ko sa kaniya.
"Papaano mo naman nasabi iyan?" kuryusong tanong niya sa akin. Amusement is also evidence in his eyes.
"Dahil po katabi lang nitong pinag-park-kan mo nitong sasakyan ang outpost office. Hindi mo ba pansin 'yan?" sabi ko sabay turo ng outpost office nitong aming Barangay. Makikita rin mula roon ang mga pulis at tanod na naka-duty.
"Saka isa pa, may CCTV dito. Tingnan mo itong poste," sabi kong muli sa kaniya sabay turo ng posteng nasa harapan namin.
Ngumiti naman siya sa akin. "That's good to hear. Mababawasan na ang pag-aalala kong may maaring mangyari dito sa inyong masama. Mapapanatag na ako," sagot nito sa akin.
I find it sweet dahil nag-aalala siya sa amin. At isa pa, hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon sa akin. Dahil buong akala ko'y kotse niya lang ang kaniyang inaalala, kaya niya itinanong ang mga bagay na iyon.
Mayamaya pa'y niyaya ko na siyang maglakad papasok sa aming eskinita. Bitbit niya sa kaniyang kaliwang kamay ang mga pagkain na tinake-out ko kanina. Samantalang, ang kanang kamay niya naman ay nakahawak sa aking kaliwang kamay nang mahigpit. Tangan ko naman sa aking kanang kamay ang shoulder bag na palagi kong dala sa tuwing papasok ako ng opisina.
Papasok pa lang kami sa loob ng aming gate ay tanaw ko na ang batang naka-abang sa aking pagdating, ang aking anak na si Claud.
Nakasimangot itong nakatingin sa akin habang nakapangalumbabang naka-upo sa paanan ng pintuan.
Tumayo naman agad ito upang salubungin ako, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng gate.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...