Chapter 1

177 36 2
                                    

Didecated to: peytfullyours

CHAPTER 1: DIYARYO

"MAMA, Mama! Gusto ko po ng ice cream, please," sabi ng bunso ko sabay pout ng lips niya. Ang cute-cute talaga nito kahit kailan.

"Ako rin po, Ma total tapos na rin naman po tayo maglinis ng buong bahay. At saka, sabi n'yo po kanina bibigyan n'yo kami ng price pagtinulungan ka po namin maglinis," mahabang paliwanag ng panganay ko.

I smiled at them. They are all so adorable; kaya naman matutupad ang gusto nila.

"Iyon lang pala, eh. Tara punta tayo sa tindahan ni Aling Sita."

"Yehey! Sa akin po, Mama rocky road flavor po, ah," wika ni Claud, ang bunso ko.

"Sa 'yo, Drew ano'ng flavor gusto mo?" sabi ko habang naglalakad kami sa kabilang kalsada patungo sa tindahan ni Aling Sita. Nagtitinda kasi si Aling Sita ng Selecta Ice Cream.

"Sa akin po, Mama cookies and cream," tipid na sagot ng panganay ko.

Oo, tama kayo nang nababasa. May mga anak na ako at dalawang lalaki ang anak ko. Ang panganay ko ay si Andrew Lewis Ruiz at ang bunso ko naman ay si Claud Eisen Ruiz. Ang apelyidong gamit nila ay sa tatay nila, kaya 'wag kayong magtaka kung bakit magkaiba kami ng apelyido. Ako si Adrianna Alarcon, may mga anak ngunit walang asawa. Bakit? Simple lang. Hiwalay na kami ng ama nila at alam nila 'yon.

'Yong sa 'min kasi ng papa nila. It was just a whirlwind love story na hindi nag-work. Pero gan'on yata talaga, kailangan kong magpatuloy para sa mga anak ko.

"Oh, Anna, kumusta? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Sita pagkarating namin sa tindahan niya. Minsan tsismosa rin 'tong matandang 'to, eh. Ngunit mabait din naman.

"Naku, Aling Sita. 'Yon na nga po, wala na."

"Huh? Papaano nangyari 'yon? Eh, 'diba matagal ka na doon sa kompanyang pinagtatrabahuhan mo? Nagsara na ba ang pabrika nila?" tanong niya.

"Oo nga po. Kaso napasama ako sa mga tinanggal kahapon. Malapit na po kasing malugi 'yong kompanya kaya nagtanggal na sila ng mga empleyado. Wala naman kaming magawa kasi sooner or later baka magsara na rin po 'yon. Marami nga po kaming tinanggal, kahit 'yong matatagal na sa kompanyang 'yon," mahabang paliwanag ko.

"Eh, paano na 'yan, Anna? Dapat makahanap ka na agad ng trabaho habang 'di pa tapos ang summer break. Malapit na namang magpasukan," sabi niya habang inaabot sa mga bata ang Cornetto ice cream na cookies and cream at rocky road flavors na gusto ng mga anak ko.

"Iyon na nga po, eh. Bukas na bukas maghahanap na po ako ng trabaho. Nagpahinga lang po ako ngayon para makapaglinis ng bahay," sabi ko sa kaniya.

"Gan'on ba? Ay, oo nga pala. Kuhanin mo 'yang diyaryo d'yan sa tabi mo. Ngayon lang iyang issue. Dineliver sa 'kin 'yan ni Kiko kaninang umaga, tapos ko na ring basahin iyan. Tingnan mo sa business ads at baka may makita kang pwede mong pag-applyan," sagot niya.

"Naku salamat po, Aling Sita."

Kinuha ko ang sinasabi niyang diyaryo at nagpaalam na kami ng mga bata sa kaniya pagkatapos, para umuwi na.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon