Chapter 9

109 22 0
                                    

Didecated to: lyreex

A/N: Thank you sa magandang book cover, honey. 😊 (nasa multimedia)

CHAPTER 9: ALL ABOUT HIM

"PARA SAAN?" tanong ko sa kaniya matapos niya akong halikan.

"For letting me to meet your children," sambit nito nang may malawak na ngiti.

Sandali naman kaming nagkatitigan pagkatapos niyang sabihin iyon. Tila nangungusap ang aming mga mata. Hindi na kailangan ang magsalita upang magkaintindihan kami. Sapat na ang bawat titig na ipinupukol namin sa isa't isa.

Muli akong nagsalita nang maalala ko ang isang bagay na kanina ko pa gustong itanong sa kaniya.

"Pwede ba akong magtanong sa 'yo? Gusto ko lang malaman." Bahagya namang napa-arko ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Go on," maikling tugon niya sa akin.

"Paano mo nagawa ang lahat ng iyon nang gan'on kadali? I mean,  'yong sa meeting? Paano ka nakabili agad ng singsing?

"Hindi ka naman nagpabili kay Shai. At hindi rin tayo dumaan sa jewellery shop nang pinaayusan mo 'ko. Papaanong mayroon ka na niyan?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Tumitig pa ako sa kaniyang mga mata upang makita ang reaksiyon niya sa tanong ko.

Nakita ko naman ang paglitaw ng gatla sa noo niya ngunit madali ring nawala iyon. Napalitan iyon nang isang nakakalokong ngisi habang mariing nakatingin sa akin.

Hinaplos niya rin ang kanang kamay ko, kung saan naroon ang singsing sa palasing-singan ko. Sandali niya itong tinitigan bago nagsalita.

"This ring is my mom's engagement ring. Bigay 'to sa kaniya ni dad. Ang sabi niya rin sa akin noon, na siya raw ang pinakamasayang babae noong araw na iyon.

"You know, Mom and Dad love's story was the sweetest love story I ever heard. They are college enemy na nauwi sa isang love affair."

Makikita rin sa kaniyang mga mata ang labis na kasiyahan habang nagki-kwento sa akin.

"Dad loves Mom so much, until now kahit na wala na si mommy," sambit nitong muli.

"Nasaan na po ba ang mommy n'yo, sir?" kuryuso kong tanong sa kaniya.

"Honey, I told you. Drop the word “sir”. Lance na lang or you can call me, honey, too. That would be much better," he said then, winked at me. He even flashed his wide smile while saying those words.

"Sira," tanging nasabi ko na lang. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Bukod sa natameme ako, kinikilig din ako dahil sa mga sinabi niya.

"Hahaha, your blushing, honey. Kinikilig ka 'no? Ayiee.." panunukso nito sa akin. Mahinang sinusundot-sundot pa nito ang tagiliran ko.

Pilit ko namang iniiwas ang sarili ko maging ang tingin ko sa kaniya dahil sa nahihiya ako.

"Tama na kasi. Hindi mo pa nga sinasagot 'yong tanong ko, eh," sabi ko sa kaniya habang iniiwas pa rin ang mukha ko. Ayoko ko kasing makita niya ang pamumula pa nito.

Narinig ko namang nagpakawala muna ito nang mahabang buntonghininga bago umayos nang pagkaka-upo. Sumeryoso rin ang kaniyang mukha bago tumitig nang deretso sa aking mga mata.

"Mom died 6 years ago because of a breast cancer. And that day was the most painful day of my life." Mataman ko siyang tinitingnan habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Mababakas din sa kaniyang mukha ang lungkot at pangungulila.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon