CHAPTER 28: ANNULMENT PAPER
"NO, HINDI ako makapapayag sa gusto mo, Ash!" sigaw ko sa kanya na tila kasing lakas ng kulog at kidlat.
Hindi maaari, hindi ako makapapayag na ilayo niya sa akin ang mga bata. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang kinatatakutan ko.
"Look, Adi. Nagtatanong na sila sa totoong nangyayari sa 'yo, sa atin. They are so worried about you. Gusto mo ba talagang pati sila maapektuhan sa totoong nangyayari sa ating dalawa, lalo na sa 'yo?
"Besides, I just want them to have a vacation this coming Christmas. Anak ko rin sila, Adi at may karapatan din akong magdesisyon pagdating sa kanila. Kung gusto mong sumama, it's all your decision, you decide. But if you don't wanna go, it's your choice." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang lingon-likod akong iniwan nito sa loob ng sasakyan.
Maari ngang tama siya. I am miserable and my life indeed. Hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong gawin. Kailangan kong mag-isip. I don't wanna lose my children in just one snap.
Dali-dali naman akong bumaba ng sasakyan at sumakay agad ng elevator patungo kung saan ang floor ni Ashton. Hindi ako mapakali habang nasa loob pa lang ng elevator at naghihintay kung kailan ito magbubukas. I feel like it took me a lifetime just riding this freaking elevator.
Kaya naman nang magbukas ito sa tamang palapag ni Ash ay agad akong lumabas patungo sa kanyang unit. Tangkang kakatok pa lang sana ako nang magbukas ito. It was Ashton. Sandali kaming nagkatitigan, eye to eye. And seeing his face, his eyes near me just an inch like this. It's like bringing back the past, bringing all the memories we had before. Kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata ang lungkot habang nakatitig siya sa akin.
Sandali naman akong naalimpungatan nang bigla siyang magsalita.
"Lalabas lang ako sandali. Ikaw muna ang bahala sa mga bata."
"Saan ka pupunta?" tanong ko na hindi niya na sinagot pa. He just walked straight to the elevator without looking at me.
Kaya naman dire-diretso na lang din akong pumasok sa condo niya. I went straight to my son's room, sa mismong kwarto ni Ashton. Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagbukas ng pinto dahil alam kong tulog na sila. Isa-isa ko silang hinalikan sa noo saka ako lumabas ng kwartong iyon. Naglinis na rin ako ng katawan saka nagpalit ng pantulog na damit. Isang itim na sando at manipis na pajama lang ang nadala ko kaya ito na rin ang isinuot ko. Besides, I don't have any choices.
Kaso nga lang, may isa pa akong problema. Hindi ko alam kung saan ako matutulog. Ashton's condo has only three bedrooms. Inuukupa na ng katulong niya ang isang kwarto samantalang inuukupa na rin ng mga anak ko ang kwarto ni Ashton. Malilikot pa naman matulog ang mga iyon. At ang natitirang isa ay alam kong tutulugan ni Ash. Ang kapal naman ng mukha ko kung doon ako matutulog. Isa pa, hindi ko naman bahay ito.
Again, I left with no choice but to sleep in the sofa here at the sala. Sabagay, okay lang din kasi sanay na ako. It's been a long day and night. Maraming mga bagay din ang nangyari sa araw na ito kung kaya't kailangan ko na talagang magpahinga. I do feel drained and weak.
"Goodnight, Adi," I said to myself before I closed my eyes and drifted to sleep.
Sandali pa lang akong naiidlip nang maramdaman kong tila nakalutang ako sa ere. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko. Ididilat ko na sana ang mga mata ko upang tingnan ang taong bumuhat sa akin nang bigla itong nagsalita. Kaya naman nagkunwari na lang ulit akong natutulog.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...