Chapter 17

137 7 0
                                    

Didecated to: MelliSaxMoon

CHAPTER 17: A LOVER'S QUARREL

MAAGANG pumasok ako ngayon sa opisina. Hindi na ako dumaan sa apartment ni Lance dahil sabi niya ay dumiretso na ako rito. May kikitain daw kasi siyang importanteng investor ngayon. Maaga siyang umalis kanina kasama si Shai.

Mas okay nga sa akin iyon dahil hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga nangyari, a week ago. Lalong-lalo na doon sa nakita 'kong tao ng gabing iyon. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking alaala ang ginawa niya sa akin. Pati ang mga anak ko ay dinamay niya pa. Napaka-walang hiya niya!

"Ms. Alarcon." Napabalikwas naman ako sa malalim na pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko at tumapik sa balilat ko.

"M-Mr. Donfort, ano pong kailangan n'yo?" nauutal kong tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

"HAHAHAHA"

Nagulat naman ako sa biglaang pagbunghalit nito ng tawa.

Ang walang-hiya, pagtawanan daw ba ako. Ano bang problema ng isang ito? Nakakainsulto, ah.

"Ano bang nakakatawa?" I asked him while my left eyebrow was elevated. Naaasar na rin ako sa kaniya.

"Respeto naman, p're umagang-umaga po 'no!" mahinang bulong ko ngunit may diin sa huli ang pagkakasabi ko n'on.

"I'm sorry, hahaha," sabi nito habang tumatawa pa rin. Narinig niya pala 'yong sinabi ko.

"Nag-sorry ka pa. Pagtatawanan mo rin lang naman ulit ako," sagot 'kong pa-irap sa kaniya.

"I'm sorry, again. Kanina ka pa kasi sa 'kin nakatulala. Simula nang pagbuksan mo ako ng pintuan. Your staring at me like you have a hidden desire on me. Or maybe, you see me more handsome than, Buenamira? Which of the two, baby?" he said while smirking. At talagang inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Kaya naman napaatras ako nang ilang hakbang palayo sa kaniya.

Relax, Adi. Kalma.

Inhale, exhale, inhale, exhale.

Tandaan mo, isa 'yan sa mga big investor nitong kompanya. Malalagot ka kay Lance kapag naisipan niyang i-pull-out ang investment niya kapag sinagot-sagot mo. Kaya chill ka lang, Adi.

Kalma muna self.

Kalma.

"I'm sorry, Sir. I didn't mean to. Malalim lang po kasi ang iniisip ko," hinging paumanhin ko rito. Ngunit sa loob-loob ko, talagang nagwawala na sa inis sa kaniya. Ang hangin kasi.

"Ngunit wala po sa dalawa 'yong sagot ko sa tanong n'yo. Lalo na po iyong sa huli. Lance was way more handsome than you," pahabol kong sagot sa kaniya na ikinakunot naman ng noo niya. Napangisi naman ako dahil doon.

"Sige po, Sir. Hintayin n'yo na lamang po si Lance rito sa opisina niya. Parating na rin po iyon galing sa isang meeting. Maiwan ko po muna kayo," ngiting-ngiti kong paalam sa kaniya. Sasagot pa sana ito sa akin ngunit naisara ko na ang pinto ng opisina ni Lance.

Dumiretso naman ako sa canteen nitong kompanya upang bumili ng pwede kong kainin. Nagugutom na kasi ako. Nakalimutan kong mag-agahan dahil sa dami nang iniisip ko ngayon.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon