Chapter 18

117 5 0
                                    

Didecated to: atelanz and LevieJaneRonduen

A/N: Thank you for adding my story on your list. 😊

CHAPTER 18: DISASTER DATE FT. ADI'S HALF-BROTHER

BRRRR...

Tunog iyon ng tiyan ko na siyang nagpatigil sa paghahalikan namin.

Nakakahiya.

"Sorry," hinging paumanhin ko agad sa kaniya. Habol hininga niya naman akong tinitigan sa aking mga mata, na nauwi sa kaniyang malakas na pagtawa.

"I'm sorry, honey. I didn't mean to underfeed you. Hindi ka ba kumain bago ka umalis sa inyo?" tanong niya.

"Hindi," mahinang sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Nahihiya kasi ako dahil sa nangyari. Kainis kasing tiyan 'to, bakit ngayon pa umeksena.

Ngumiti naman muna siya sa akin bago muling nagsalita. "Look at me, honey." He held my face to look at him.

"It's okay, don't worry about it. Tara,  kain na lang tayo," nakangiting alok niya. Then, he kissed my forehead bago niya paandarin ang sasakyan.

Makalipas ang halos kinse minutos ay nakarating na kami sa Ramen House. Dito niya kasi napiling kumain kami dahil masarap daw dito ang ramen at iba pang mga Japanese cuisine.

This restaurant was a combination of classic and modern style Japanese restaurant. Pagkapasok na pagkapasok mo palang dito ay mapapahanga ka na talaga. The ambience, the design, the atmosphere and even the arrangement of this place was all set. Para na siyang isang package na talagang mararamdaman ng sino mang pupunta rito ang pakiramdam na nasa Japan.

"K o n n i c h i w a! Ohayō gozaimasu, dō itashi mashite de Ramen House," bati ng waiter na sumalubong sa amin. Yumuko rin ito bilang paggalang.

Nasa tradisyon kasi ng mga Hapon ang pagyuko ng kanilang ulo, isang tanda ng kanilang paggalang, pasasalamat at maging ang paghingi ng paumanhin o tawad.

"K o n n i c h i w a," bati ko rin sa waiter pabalik. Bahagya rin akong yumuko upang magbigay galang sa kaniya. Binigyan naman ako nito ng isang matamis na ngiti, na siya namang ginantihan ko rin pabalik ng isang totoong ngiti.

Samantala, itong katabi ko naman ay dire-deretso lang sa pagpasok. Hindi man lang binati iyong waiter kanina na sumalubong sa amin, tapos nakasimangot pa nang nilingon ko.

"Ang cute n'ong waiter, 'no," nang-aasar kong sabi sa kaniya, na naging dahilan upang mas lalo siyang sumimangot sa akin.

Hindi naman ganoon kapuno rito kaya madali kaming nakahanap ng pwesto. A cheerful waitress seated us at a table for two near the window. Siya na rin ang kumuha ng order namin.

"One bowl of creamy seafood and one bowl of spicy seafood," pag-uulit muli ng waitress sa order namin.

"Is that all your order, ma'am and sir?" nakangiting tanong nito pagkatapos.

"Yes," sagot ko sa kaniya.

"Coming up, ma'am," magiliw na sagot nito sa akin. Nag-bow rin muna ito sa amin bago umalis.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon