Chapter 26

93 9 0
                                    

CHAPTER 26: HAYWIRE

DALAWANG araw ko nang hindi nakikita si Lance, dalawang araw na rin akong nagmumokmok dito sa bahay. Hindi ko pa alam, kung paano ko siya haharapin pagkatapos nang mga nangyari.

"Adi, kumain ka na muna. Hindi ka pa raw kumakain sabi ng mga bata," wika ni Ashton na nasa pintuan ng kwarto ko nakatayo.

"Mamaya na, tinatamad pa ako," balewalang sagot ko sa kanya.

"Kumain ka na para may lakas ka. Ano, magmumokmok ka na lang ba rito? Akala ko ba gusto mo siyang bumalik sa 'yo? 'Wag mo naman sanang sayangin ang pagpapaubaya ko sa 'yo sa kanya.

"Alam mong mahal kita, Adi at ayokong nakikita kang nagkakaganyan," muling wika niya. Lumapit na ito sa kamang kinauupuan ko at walang sabi-sabing hinila ako patayo.

"Aray, dahan-dahan naman!" sigaw ko sa kanya habang hinihila ako nito papunta sa kusina.

"Ayan, maupo ka riyan at kumain. Pagkakain mo, aalis tayo ng mga bata. Nagre-request sila na magsimba raw tayong apat, total Linggo naman ngayon. Isa pa, nakahahalata na sila sa 'yo," sabi nito sa akin habang pinagsasandok ako ng kanin.

"Ako na, Ash," wika ko sabay kuha sa kanya ng sandok.

"Sorry," tanging naging sagot nito.

"Nasaan ba sila? Kumain na ba ang mga iyon?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kumuha ng kanin.

"Oo, naliligo na sila ngayon."

"Ah, nga pala. Bakit ka narito?

"Saka ikaw ba ang nagluto nito?" tanong kong muli sa kanya habang kumukuha naman ng ulam.

"Ah, oo sa bahay ko niluto iyan. Alam mo namang paborito ng mga bata ang adobo, kaya ipinagluto ko sila. Iyan din ang dahilan kong bakit ako narito, saka nagyayaya rin silang lumabas daw tayong apat kung okay lang sa 'yo?"

"Ganoon ba? Sige wala rin naman akong gagawin ngayon. Saka matagal-tagal na rin nang huli kaming nakapaggala.

"Alam mo, mas okay pala 'tong ganito tayong dalawa sa isa't isa. Hindi nagsisigawan, nagbabatuhan ng mga sumbat, alam mo 'yon, may peace sa pagitan nating dalawa," sagot ko sa kanya bago sumubo ng pagkain.

"Yeah," tipid na sagot niya sa akin bago ngumiti ng bahagya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata.

"Ngunit hindi ibig sabihin nito na napatawad na kita. Truce lang ang namamagitan sa ating dalawa, kung kaya't hinahayaan kitang makalapit sa akin," mariing sabi ko sa kanya.

"I know, Adi hindi ako nakalilimot. All I want is your happiness and that's all, Adi," sagot nito sa akin sa mababang tono. Kumuha rin ito ng plato saka mga kubyertos saka nagsandok ng kanin at ulam.

"If you don't mind, sasabay na ako sa 'yo sa pagkain. Hindi rin pa ako kumakain, eh," paalam niya sa akin sabay subo ng pagkain. Hindi na lang ako sumagot bagkus ay tumango na lang ako sa kanya ng bahagya.

Makalipas ang halos sampung minuto, natapos na rin kaming kumain. Ang awkward nga, eh, dahil pagkatapos nang pag-uusap namin kanina ay wala na ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita pa.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon