Chapter 14

109 9 0
                                    

Didecated to: SirenYxes

Warning: SPG! This chapter may contain a scene that is not suitable for young readers. Read at your own risk and enjoy!

A/N: You have been warned!

CHAPTER 14: I LOVE YOU

NAMAMANGHANG inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwarto ni Lance. Kulay abo, itim at puti ang kulay ng disenyo nito. Napaka-simpleng tingnan ngunit elegante. Mayroong malaking modern chandelier sa gitna ng kisame na nagsisilbing ilaw ng buong kwarto. Isang malaking walk-in closet sa bandang kanan at isang malaking couch sa paanan ng king size bed. Samantalang, nasa gitna naman ang kaniyang king size bed na may katabing side table sa magkabilaang parte. Sa bandang kanan nakapatong ang lamp shade samantala, sa kaliwa naman ay isang picture frame. Mayroong dalawang abstract painting na nakasabit sa wall at isang mahabang cabinet na sa tingin ko'y hanggang baywang ko lang ang taas. Naroon nakapatong ang kaniyang mga litratong naka-frame at iilang mga plaque.

Sobrang linis rin ng kaniyang kwarto. Wala kang makikitang kahit anong dumi roon. Ilang beses na akong nakapunta rito ngunit ito ang unang beses na nakapasok ako rito sa kwarto niya.

Naagaw naman ng isang litratong nasa side table niya ang atensiyon ko. Sa litrayong iyon ay naroon ang isang magandang babae na mayroong kargang batang lalake. Marahil siguro'y, nasa dalawang taong gulang na ang bata. Nakangiti sila pareho sa litratong ito. At talagang mararamdaman mo ang pagmamahal ng babae sa batang karga niya, sa pamamagitan ng kislap sa mga mata nito habang nakatitig dito. I think stolen picture ito.

"That was Mom and I, when I was two years old. Kuha 'yan sa rest house sa Batangas. Iyong rest house na paborito ni Mom," wika ni Lance na nasa likod ko na pala.

"Ang ganda naman ng mama mo. Magkamukha kayo." Nakangiting nilingon ko siya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

"I know but I have Dad's attitude. Sa kaniya ko namana iyong pagiging matigas ang ulo at ma-pride minsan," naiiling na muling wika nito.

"Kahawig mo rin naman ang daddy mo, eh. Isa pa, sa kaniya mo nakuha iyang mata mo, hindi ba?" paniniguradong tanong ko.

"Haha, yeah. Ang dami mo namang alam tungkol sa akin, honey. Stalker ba kita?" tanong niya habang nakangisi sa akin.

What? No!

"Hindi 'no. Halata naman kasi sa 'yo. Saka, hello! Ilang beses ko ng nakita ang daddy mo sa company 'no. H'wag ka ngang issue d'yan." I rolled my eyes at him because of annoyance. Totoo naman kasi, eh, hindi niya ako stalker. Hindi ako kasali sa pupolasyon ng mga babaing nagkakandarapa sa kaniya 'no.

Baka curious pwede pa. Na-curious kasi ako dati sa kaniya dahil nga sa pagkakaroon niya ng blue eyes. Kaya naman, I search him thru internet at nalaman ko nga kay pareng Google na isa siyang half-Filipino, one fourth-European which is from UK and also, one fourth-Latin. Kapwa half-Filipino ang nanay at tatay niya. Kaya siya may dugong European ay dahil sa tatay niya. At Latino naman dahil sa nanay niya.

Wala, share ko lang sa inyo, para sa mga hindi nakakaalam.

"Tulala ka na naman d'yan, honey. I'm just joking, okay," untag niya sa akin. Hindi ko naman kasi namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon