Didecated to: AbhieKasim3
A/N: Thank you for following. 😊
CHAPTER 20: ASHTON
THIS IS not good! Baka kunin niya sa akin ang mga bata, hindi maaaring mangyari 'yon. After all this year's, ngayon lang siya bumalik. Ngayon niya lang naisipang bisitahin ang mga anak niya, ngayon pa na maayos na kami kahit wala siya.
Dali-dali akong lumabas sa opisinang iyon ni Lance. Halos liparin ko na nga ang building na ito, makaalis lang ako. I used Lance personal elevator upang makarating agad ako sa first floor. Pagkarating ko roon ay dire-deretso akong lumabas dito. Hindi ko na rin pinansin ang guard na tumatawag sa akin. Mabuti na lamang at may dumaan kaagad na taxi pagkalabas ko. Pinara ko naman ito agad at sumakay dito.
"Manong, sa St. Claire Elementary School nga po," saad ko sa driver.
"Oho, Ma'am," maikling tugon nito sa akin.
Habang nasa byahe ako ay biglang nag-ring ang cellphone na hawak ko. Tumatawag ang anak kong si Drew kaya sinagot ko kaagad ito.
"Ma, h'wag ka na pong pumunta sa school. Naka-alis na po kami roon. Nasa kotse na po kami ni Papa, nagbabyahe," pambungad na wika ni Drew sa akin.
"Ano! Nasaan na kayo ngayon, anak?" tanong ko sa kaniya sa medyo mataas na tono. Nag-aalala na kasi ako sa kanila. Baka saan dalhin ni Ashton ang mga bata, ang mga anak ko.
"Hindi ko po ala—Ma, tingin ka po sa kanan mo!" sigaw niya sa kabilang linya. Ngayon ko lang napansin na nakahinto pala ang taxing sinasakyan ko dahil naka-red lights. Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita ko nga sila sa loob ng isang kulay dark blue na BMW, ngunit agad namang umalis ito pagka-green lights.
"Saan kayo pupunta, anak ng daddy n'yo?" tanong ko sa kaniya.
"Dad, saan po ba tayo pupunta?" rinig kong tanong ni Drew kay Ashton. "Sabihin mo sa mommy n'yo na sa Burger King lang tayo pupunta. Doon sa dati naming pinupuntahang branch," dinig kung sagot naman ni Ashton sa anak ko.
“Dati..”
Mapait naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, dahil hanggang ngayon pala ay may mga naaalala pa rin siya tungkol sa 'min. O, maiinsulto dahil mas ipinapamukha niya sa 'kin na parte na lang talaga ako ng nakaraan niya.
"Ma, sa Burger King daw po kami pupunta. Doon daw po sa branch na lagi ninyong pinupuntahan dati," sagot ni Drew sa akin.
Mayamaya pa'y umandar na ulit ang taxing nasasakyan ko. Naka-green lights na pala.
"Manong, pwede ho ba tayong mag-U turn. Sa Burger King na lang po tayo pumunta. Iyong malapit sa plaza na branch," sabi ko sa driver pagka-andar nitong sasakyan.
"Sige po, Ma'am," aniya. Nakakita naman agad kami ng U-turn section at agad na nag-U turn si manong dito.
"Okay, anak. Nasaan nga pala si Claud?" tanong kong muli kay Drew.
"Tulog po, Ma si Claud. Nakatulog po siya kanina pa," sagot naman sa akin ni Drew sa tanong ko."Ganoon ba, anak. Sige mamaya na lang. Mag-text ka kay mama kapag nakarating na kayo, ha. Magte-text ako sa 'yo kapag malapit na ako."
"Yes po, Ma. Bye," paalam niya sa akin.
Makalipas ang halos pitong minuto ay nakarating din ako sa Burger King branch na sinasabi ni Ashton. Bumaba naman agad ako rito pagkatapos kong magbayad sa driver.
Madali ko lang nakita kung saan sila naka-upo. Dahil nandoon sila sa dating spot namin dito ni Ashton nakapwesto. Akmang lalapit na sana ako sa pwesto nila, nang maisipan kong tumigil saglit ng mga isang metro ang layo. Hindi naman nila ako napansin dahil busy sila sa pag-uusap-usap. Kung kaya't nanatili muna ako saglit sa aking kinatatayuan at nagmamasid. Maybe they are catching up with each others. But it is not enough reasons for me, para muling magtiwala sa kanya at lalo na ang ipagkatiwala ang mga anak namin. Natatakot ako sa posibilidad na baka ilayo niya sa akin ang mga bata.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...