Chapter 2

141 36 4
                                    

Didecated to: MisChied

CHAPTER 2: ELEVATOR

I WAS running as fast as I could kasi mag-e-eight a.m na, male-late na kaya ako. Parang kagaya na nga ni The Flash ang ginagawa kong pagtakbo ngayon. Hahaha, char lang!

But seriously, 7:30 a.m. na. Sobrang traffic pa ngayon kaya ang ginawa ko, tinakbo ko na lang simula sa kotseng sinakyan ko hanggang dito sa building ng Buenamira Enterprises. Papasok na ako ngayon sa building ng Buenamira Enterprises, at grabe lang. Sobrang laki, as in sobra-sobra at ang ganda. Baka nga maligaw pa ako. Buti na lang nakita ko kaagad ang receptionist nitong lugar, kaya nagtanong agad ako rito.

"Hello, good morning po. Ako po si Adrianna Alarcon. May interview po ako sa 29th floor ngayon," saad ko sa mababang tono.

"Gan'on po ba, Ma'am. Pakisulat na lang po rito sa visitor's list ang pangalan n'yo," sagot ng receptionist sa akin.

"Thank you," sabi ko sa kaniya pagkatapos kong magsulat sa visitor's list, sabay ngiti rito. Ginantihan niya rin ako ng isang totoong ngiti.

Dali-dali naman akong pumunta sa elevator ng building para sana makapunta na sa pakay ko. Ang kaso, pagkarating ko...

My gosh, dear ang daming taong nakapila sa tatlong elevator. Samantalang doon sa isang elevator, sa may gawing kanan ay isang tao lang ang nag-aantay para bumukas ito. And take note, mas maganda ang elevator na ito kaysa doon sa tatlo.

Grabehan lang! Parang may sakit namang nakakahawa iyong lalaking nag-aantay, kasi iniiwasan siya ng mga tao. Parang ayaw nilang makasabay.

Well, nagmamadali ako masyado para isipin pa ang mga bagay-bagay na 'yan. Baka pwede akong makisabay doon sa lalake. Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag nag-try ako, right?

"Uhm, pwedeng pasabay po sa 'yo, kuya? Nag-mamadali kasi ako. Male-late na kasi ako sa interview, eh. Ang dami pang taong nakapila doon sa tatlong elevator. Para na nga silang nakapila para sa relief ng barangay 'no. Buti ka pa rito mag-isa lang. Pwede ba, please?" mahabang litanya ko, sabay paawang ngiti sa kaniya.

Pero ang hanep, 'di man lang ako sinagot kahit pansinin. Dire-deretso lang siya sa pagpasok, pagkabukas na pagkabukas ng elevator.

Ang snob ni kuya!

"Ano tatanga ka na lang ba d'yan? I thought nagmamadali ka!" sigaw ng lalake sa akin na tila naiirita na dahil hindi pa ako pumapasok.

"Uhm, ito na nga papasok na 'diba po. Sorry naman," sagot ko sa kaniya habang naglalakad papasok sa elevator.

"Tsk!" rinig kong sabi niya pagkapasok ko.

Sungit!

Pinindot niya ang 29th floor button kaya nagtaka ako kasi, bakit niya alam kung saang floor ako pupunta?

"Pareho pala tayong sa 29th floor ang punta. Mag-a-apply ka rin ba?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi," sagot niya sa akin na hindi man lang ako nililingon.

"Gan'on ba? Eh, ano'ng gagawin mo sa 29th floor?" tanong ko ulit sa kaniya.

Ngunit imbes na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako ng masama. Okay, i'm gonna zip my mouth. Ang daldal ko na yata. Sorry naman ano, eh, sa natural na sa akin ang pagiging madaldal.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon