Chapter 6

146 33 4
                                    

Dedicated to: AryxNiassoh

CHAPTER 6: YAKULT PA RIN

"AT LAST, you found her.. You found each other," nakangiting sambit ni Mr. Cuevas habang nakatingin sa aming dalawa ni Sir Lance.

What the hell?

"You're right, Treav. I found her. And I will never let go of her. Never..." halos paos na wika ni Sir Lance habang nakatitig nang deretso sa aking mga mata.

Ano raw sabi ni Mr. Cuevas? Eh, ni Sir Lance? Ano 'yong mga pinagsasabi niya kanina?

Wait lang, ah. Pina-process pa ng utak ko ang mga sinabi nila.

Ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi nila.

Napatingin ulit ako kay Sir Lance na prenteng nakahawak pa rin sa baywang ko hanggang ngayon. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya, ngunit isang misteryosong ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin.

"Makisakay ka na lang," bulong niya sa akin ng pasimple at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa baywang ko.

Bumuka naman ang bibig ko, subalit walang lumalabas na kahit anong tinig mula rito. Tila nawalan ako ng boses at sasabihin sa kaniya.

Muli kong tinignan ang bagay na inilagay niya sa kaliwang palasing-singan ko. Hindi ko naman makita ito ng maayos, kung kaya't inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang kamay ko dahil gusto ko rin na makompirma ang hinala ko at makita ito.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin dahil sobrang gulat at pagkalito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bakit? Isang napakagandang singsing lang naman kasi ang inilagay niya sa kaliwang palasing-singan ko.

Grabe! Iyong sabihin niya pa nga lang sa ibang tao na fiancé niya ako ay sobrang pagkagulat na ang nararamdaman ko. Ito pa kayang bigyan niya ako ng singsing at siya pa mismo ang naglagay nito.

Ngunit dapat ba talaga akong matuwa? Although, 'di ko alam kung ano ba talagang iniisip ni Sir Lance. Kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Nalilito pa rin kasi ako sa mga nangyayari. Ano ba ang dapat kong maging reaksyon? Maging masaya? Magalit? Ewan, 'di ko alam. Lingid din sa kaalaman nating lahat na hindi kami parating magkasundo nito ni sir. Kung kaya't  isa lang ang sa tingin kong paliwanag sa lahat ng ito.

Isang palabas lang ang lahat ng ito. Tama. Isang kasinungalingan para lang makuha ang deal kay Mr. Cuevas. At ako, ako ang pain para makuha niya ito. Makuha ni Sir Lance kung ano man ang bagay na iyon, na matagal niya nang gustong makuha mula rito. Kung ano mang dahilan ni Sir Lance kung bakit niya ginagawa ito ngayon, ay wala akong ideya o alam na pwedeng maging rason niya.

After all, I don't know him better.

"Hahaha. You're so damn in love, man. I thought you're just joking about this thing before," ani ni Mr. Cuevas na ikinabaling ko ng atensiyon sa kaniya at sa mga sinabi niya.

"So, Adi, right? How long the two of you been dating, before the proposal?" tanong niyang nagpagulantang naman sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Naman, eh!

"H-Ha? Ano hindi nam—" sagot ko sanang pinutol agad ni sir.

"2 months," singit naman ni Sir Lance sa sasabihin ko dapat.

"Really?" tila gulat namang tanong ng asawa ni Mr. Cuevas na si Ma'am Annika.

Tanging nakakalokong halakhak naman ang itinugon ni Mr. Cuevas sa sagot ni Sir Lance.

"Akalain mo nga naman. Dati kahit isang araw, walang tumatagal sa 'yo. But now, you've been dated her for two months then, you proposed to her for a wedding. Damn hard! At sana lahat ng iyan ay tunay, Lance at totoo." He paused for a second then, smiled on us. He shifted his gaze to Sir Lance and smiled at him, mischievously.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon