Didecated to: rubelynesquijo
A/N: Thank you so much for following me, honey. 😊
CHAPTER 16: THE WHO
"MS. ADRIANNA ALARCON, my soon to be Mrs. Adrianna Alarcon-Buenamira." Anunsiyo niya sa lahat ng bisitang naririto.
Hindi naman ako makapaniwala sa kaniyang ginawa at sinabi sa lahat. Napatulala na lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Wala ring kahit isang salita ang nais kumawala sa aking bibig sa mga oras na ito. At pakiramdam ko'y para akong nasa alapaap.
"I love you, honey," he canorous says and kiss me on the lips. It lasted for only five seconds but I felt the love and care on it.
Isang palakpakan naman ang sumalubong sa amin habang pababa kami ng stage at pag-congratulate ng mga bisitang naroroon. Ngunit makikita mo pa rin sa mga mata ng ibang mga bisita na naroon ang pandidiri at pagkadismaya nila sa akin lalong-lalo na ng mga kababaihan.
Mga matapobre nga naman, mapagpanggap na mabait. Tsk! Akala mo ang peperpek!
Muli naman kaming bumalik sa aming kina-uupuan kanina. Isang tawanan at panunukso ang sumalubong sa amin pagkaupo namin doon. Agad namang nagsilapitan sa pwesto namin ang ibang mga businessman at mga politikong bisita upang makausap si Lance.
"Hija, maari ko bang hiramin muna ang anak ko," magalang na sambit ni Mr. Lucas Blake Buenamira, ang ama ni Lance.
"S-Sige po," magalang na sagot ko naman dito.
"Washroom muna ako, Lance sandali," paalam ko sa kaniya.
Sandaling napasimangot naman siya dahil sa ginawa kong pagtawag sa pangalan niya. Nahihiya akong tawagin din siyang "honey" sa harap ng tatay niya.
"Okay. Bumalik ka agad," sagot niya sa akin. Tumango na lamang ako rito bilang sagot at bahagyang ngumiti rin sa kaniya pabalik.
Agad naman akong lumabas sa function hall na pinagdaraosan ng party at hinanap kung saan ang daan patungo sa comfort room. Mabuti na lamang dahil pagliko ko pakanan ay eksaktong nakita ko na ang sign ng C.R. Agad naman akong pumasok doon at pumasok sa pinaka-huling cubicle.
"Do you know that Adrianna girl na fiancé ni Lance?" rinig kong sambit ng kung sino mang nasa labas.
"No, but I bet. Isa lang siya sa mga babaing naikama ni Lance. Binayaran lang upang magpanggap ang isang iyon. Knowing, Lance. Hindi siya magpapatali ng gan'on-gan'on na lang," sagot naman nang kausap nito sa matinis na tono.
"Correct, she's not even beautiful. Mas maganda pa nga ang mga katulong namin sa kaniya, duh!" maarteng saad ng nauna.
"Let's go, girl. I'm done."
"Me, too."
Narinig ko na lang mula sa loob ng cubicle ang pagbukas-sara ng pintuan, na siya namang paglabas ko sa loob ng cubicle na pinasukan ko kanina.
Sino kaya ang dalawang iyon? Kung makapagsalita sila parang kilalang-kilala nila ako. Ito na nga bang sinasabi ko, eh.
Ngunit dapat ay hindi ako magpa-apekto. Gaya nga ng sabi ni Lance, sa kaniya lang dapat ako maniwala at makinig.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...