Chapter 27

63 5 0
                                    

CHAPTER 27: LETTING GO

"GANOON na ba talaga kasama ang tingin mo sa 'kin, Lance? Do I really like a bitch and a gold digger  to you? Siguro matatanggap ko pa 'yang pang-aakusa mo sa 'kin na sinungaling ako. Pero iyong akusahan mo 'kong bitch at gold digger. Parang below the belt naman na yata iyon, ah!

"You know from the very start that I am not a bitch nor a gold digger. Alam mo 'yan, Lance!" sigaw ko sa kanya na siyang dahilan upang matigilan siya sandali. Tumitig siya sa aking mga mata, tila hinahanap doon ang sagot sa isang bagay na hindi ko alam.

"Galit ako sa 'yo. Mali, gusto kong magalit sa 'yo ngunit hindi ko kaya. Hindi ko kaya, Adi kasi . . . honey, mahal kita, mahal na mahal na mahal kita. Ngunit alam kong hindi dapat at hindi ako magiging sapat sa 'yo at sa mga anak mo," sabi nito habang namamalisbis ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

He's crying. . . he's crying because of me. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na rin pala ako.

"Mahal din kita, Lance. Hindi pa ba sapat 'yon para maniwala ka? Para pagkatiwalaan mo akong muli?" impit na tanong ko sa kanya.

Ang sakit, sobrang sakit. Akala ko dati, wala nang mas sasakit pa sa ginawang pag-iwan sa amin ni Ashton noon. Ngunit hindi ko akalaing mas masakit pa pala 'to. Hindi pa nga ganoon nagtatagal ang istorya naming dalawa, magtatapos na kaagad.

"I don't know, I really don't know, Adi. But damn, I do really missed you, honey." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay kaagad niya akong sinunggaban ng isang halik. Mapusok at mapaghanap ang uri ng halik na ibinibigay niya sa akin.

Nagsimula na rin lumikot ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Hindi ko namamalayan, ikinawit ko na pala ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at malayang tinutugon ang kanyang bawat halik.

"I missed you too, I really do, Lance," wika ko sa pagitan nang paghahalikan namin.

We kissed for a minute or so. Kaya naman nang matapos iyon ay kapwa kami habol ang hiningang napatitig sa isa't isa. Sa hindi ko malamang dahilan, para na naman akong tinatangay ng kanyang asul na mata. Tila dinadala ako nito sa gitna ng karagatan. Nakakalula, tila malulunod ako sa uri nang tinging ipinupukol niya sa akin. Napakaseryoso nito at wala kang mababakas na kahit ano'ng emosyon dito.

"I'm sorry, Adi. Even if we love each other, it doesn't mean that we are meant to be. What we have is just a whirlwind romance, who supposed to be that never happened. Maybe we are just an experience to each other.

"Yeah right, you are just an experience to me and vice versa. I'm sorry, Adi. Goodbye." Pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon, agad siyang lumabas sa loob ng cubicle kung saan kami naroroon. He left me dumbfounded and with a broken heart.

---
"Yeah right, you are just an experience to me..." Ang mga katagang iyan ang kanina pa paulit-ulit na nagre-replay sa aking isipan. Tila sirang plaka ito at hindi matapos-tapos.

Experience? Experience lang ba talaga ako para sa kanya? Lahat ba ng mga pinagsamahan naming dalawa ay isang experience lang?

Tang***** experience 'yan! Sana hindi na lang nauso para hindi ako nasasaktan!

Makalipas ang ilang sandali, lumabas na rin ako sa cubicle na 'yon. Marahas kong pinahid ang mga luhang kanina pa namamalisbis sa aking mga mata saka malalim na bumuntonghininga. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin dito sa loob ng banyo.

Wala akong makitang kahit ni katiting na kasiyahan sa aking mukha, lalo na sa aking mga mata. Tila walang kulay, walang buhay ito. Puro kalungkutan at pagdadalamhati lamang ang siyang mababanaag dito.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon