Chapter 22

137 7 0
                                    

Didecated to: ginoonghugotero

CHAPTER 22: REGRETS

PAGKALAPAG na pagkalapag pa lang ng eroplanong sinasakyan ko, agad na sinukob ng kaba ang aking buong sistema. Kay tagal ng panahon simula nang huling pagkikita namin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Gagawin ko ang lahat to win her back and my family back.

Naghihintay ako ng sundo sa labas ng Ninoy Aquino Airport, nang biglang may isang taong hindi ko inaasahang makita. It was Gregory. Ano bang ginagawa ng taong ito rito?

Naglalakad siya papalapit sa pwesto ko. Nakangisi rin ito sa akin ng malawak. Sa uri pa lang ng ngisi nito ay hindi ko na gusto.

"Welcome home, Ash," wika nito pagkalapit sa akin.

"How did you know that i'm here, Greg?" mariing tanong ko.

"You knew me, Atty. Ruiz. I have my ways on everything. And speaking of everything, make a move fastest. Payong kaibi-"

"We are not friends, Gregory!" Pagputol ko sa sasabihan sana nito.

"Okay, okay. Why so hot headed, huh?

"Well, gaya nga ng sabi ko kanina. Make a move, the fastest one. Your Adrianna was getting married on that Lancelot Buenamira, soon. Alam mo na kung ano'ng dapat gawin. You do still love her, right?" Hindi naman ako sumagot sa sinabi niyang iyon at nanatili lamang na nakatingin dito.

Nagpakawala naman ito ng nakalolokong ngisi bago muling nagsalita.

"Good luck, my old friend. See you when I see you." He devilishly smirked at me before he waved his goodbye.

Hindi pa man siya sa akin nakalalayo ng ilang hakbang, nang muli ko siyang tanungin.

"Bakit ba gustong-gusto mo kaming magkabalikan ni Adi, Gregory? Hindi ba't ikaw din ang dahilan kung bakit kami naghiwalay noon." Sandali naman itong natigilan saka unti-unting lumingon sa akin.

"Because I said so and I have my own plans, Attorney," he answered me while intently looking into my eyes.

Curse him and his f-cking plans!

Hindi naman ako sumagot pa sa kanya, hanggang sa muli itong tumalikod at naglakad na papalayo sa akin.

Kasabay naman nang pagtalikod niya ay ang pagdating ng sundo ko. Agad naman akong sumakay dito, pagkatapos.

"Magandang hapon po. Kumusta ho, Mang Nestor?" nakangiting bati ko sa aking bagong personal driver.

"Ala, eh, ayos naman ho, sir Ashton. Salamat ho sa inyo at ako ang nakuha n'yo bilang personal driver. Lalong-lalo na ho ngayon na kailangan ko ng trabaho," magiliw na pahayag nito sa akin.

"Walang anuman po iyon," maikling tugon ko rito nang nakangiti.

"Saan ko ho ba kayo dadalhin, sir? Dideretso na ho ba tayo sa bahay n'yo?" tanong nito sa akin.

"Maari n'yo po ba akong idaan sa St. Claire Elementary School?"

"Ano ho ang gagawin n'yo roon, sir?" nagtatakang tanong nito sa akin.

"Nais ko po kasing makita ang mga anak ko," tugon ko rito. Tila nagulat naman ang matanda sa aking naging sagot.

"May mga anak na rin ho pala kayo, sir. Akala ko ho ay binata kayo.

"Sige ho, kung iyan ang gusto n'yo," sabi nito.

Agad naman kaming nakarating sa paaralan ng dalawang anak ko dahil sa hindi pa rush hour ng mga oras na iyon.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon