Didecated to: JimsheenTagulaylay
CHAPTER 3: MEET THE BOSS
KINAKABAHAN ako sobra. Bago ako pumasok sa loob ng conference room, tinignan ko muna ang sarili ko sa salaming pinto ng conference room. Baka kasi ang haggard ko nang tingnan. Nakakahiya naman sa CEO nitong kompanya.
Nang makita kong ayos naman ang itsura ko, saka na ako pumasok sa loob ng conference room. Wearing a confident smile, kahit sa loob-loob ko ay sobrang kinakabahan ako. Gosh!
"Sit down," untag sa akin ng lalaking nakaupo sa kaniyang swivel chair na may malamig na aura.
'Di ko namalayan, kanina pa pala ako rito nakatulala sa kaniya. Kasi naman, na-shock kaya ako. Siya iyong lalaking nakasabay ko sa elevator kanina. At tama rin ang hinala ko, siya nga si Mr. CEO.
Ang kapal naman ng mukha kong makisabay sa kaniya kanina. Eh, siya pala talaga iyong CEO nitong kompanya.
Gosh, Adi nakakahiya ka talaga!
"Are you deaf?" malamig na tanong niya. Nakamamatay na rin 'yong titig niya sa akin this time. Baka nga kanina pa ako bumulagta rito, if ever na hindi ko siya sundin.
Nakakatakot naman ang isang 'to.
"H-huh?" tila wala sa sariling sagot ko.
"I.said.sit.down!" He glared at me and emphasized those words.
"Yes, Sir. S-sorry," mahina kong sabi sabay upo sa upuang nasa harap ng kaniyang mesa.
Natatakot ako sa mga titig niya, kaya yumuko na lang ako nang bahagya upang 'di ko makasalubong ang mga tingin niya sa akin.
Any minute now, feeling ko talaga matutumba ako ngayon sa kina-uupuan ko.
"Resumé." lnabot ko naman sa kaniya iyon.
He scanned and read my resumé.
"So, you already have two kids at the age of 26. But, why are you single here, based in your resumé?" Curiosity was written all over his face.
"H-huh? Ano po kasi, Sir---" He cut me off, mid-sentenced.
"Nah. You don't need to answer it. I get it," he told me expressionless.
"Why would I hire you, instead?" tanong niya ulit sa akin nang titig na titig.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot nang deretso sa mata ang tanong niya.
"Because I am a hardworking woman, trustworthy, flexible and loyal. Kahit ano pong ipagawa n'yo sa akin, Sir. Kakayanin ko po at makakaya ko. Also, I am doing all of this for my children. They are my inspirations. Gagawin ko po ang kahit anong ipag-uutos niyo sa akin as long as nasa tama po ito at nararapat. I assured you, Sir. Hinding-hindi po kayo magsisisi kapag tinanggap n'yo ko," mahabang paliwanag ko.
Bawat salitang binibitawan ko ay kasama ang buong puso ko. Gaya nga ng sinabi ko kanina, inspirasyon ko sa lahat ng ito ang mga anak ko. Dahil mahal na mahal ko sila at sila ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...