Chapter 13

112 12 0
                                    

Didecated to: annabooo11

A/N: Thank you for following me, honey!  😊

CHAPTER 13: ANG SUSI

"THE GRAND BUENAMIRA MALL," pagbasa ko nang mahina sa karatola ng napakalaking mall na nasa harapan namin.

Kabababa lang namin ng mga bata sa sasakyan ni Lance at dito niya nga kami dinala.

"Bakit tayo narito? 'Di ba ito 'yong ba--" Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay pinutol niya na agad ito.

"Yes, honey. Today is the opening day. That's why, we are here and the kids. We're going to attend the ribbon cutting sana. But unfortunately, mukhang tapos na ito.

"And the two of us, we're going to attend the party this evening," nakangiting sabi niya habang naglalakad kami papasaok sa loob ng mall.

Ano raw?

"Bakit kasama pa kami? Nandito ang lolo at papa mo, hindi ba? Baka makit---"

The pak Lance?! Uso na naman sa 'yo ang putulin ang mga sinasabi ko.

"It's okay, honey. Tapos na ang ribbon cutting kanina pa, kaya paniguradong hindi naman tayo makikita nila. Unless, gusto mo silang makita at puntahan, honey. Okay lang din sa 'kin, I'll introduce you to them," nakangisng sabi nitong muli sa akin.

Hindi naman ako kumibo sa mga sinabi niya. Nakangising aso pa man din si kolokoy. Mahirap na at baka mapasubo pa ako ng 'di oras nito.

"Don't be nervous, okay. I know magugustuhan ka nila." Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago hinila ang dalawang bata papunta sa pila ng mga lalaki sa entrance, para makapasok na sa loob. Ako naman ay pumila na sa linyang para sa mga babae upang makapasok na sa loob.

"G-Good afternoon po, Sir Lance," rinig kong sabi ng tatlong guard na naka-duty sa entrance nitong mall.

"Good morning din ho, sa inyo," bati pabalik ni sir Lance sa kanila.

Hindi naman nahirapang makapasok sina Claud at Drew dahil dire-deretso lang silang pinapasok ng mga guard sa entrance, nang malamang kasama ni Lance ang dalawang ito.

"Good afternoon, ma'am. May I check your bag," magalang na sabi sa akin ng guard na nagbabantay sa linya ng mga babae. Binuksan ko naman agad ang bag na dala ko at ipinakita rito ang laman nito. Pagkatapos ay kinapkapan niya ako, nang makitang ayos naman na ang lahat ay pinadaan na ako nito.

"Halika na," yaya ko sa tatlong lalaking kasama ko na matiyagang nag-hintay sa akin para makapasok.

"Next time, magbibigay ako ng memo sa kanila na kapag kayo ang pupunta rito ay papasukin agad. Nang hindi ka hinahawakan ng kung sino-sino," rinig kong himutok nitong katabi ko.

Napapa-iling na lang ako dahil sa sinabi niya ngunit kinikilig naman sa loob-loob ko.

"Dad, Jolibee muna tayo. Please," paki-usap ni Claud na nakahawak sa kamay ni Lance. Samantala, nasa tabi ko naman si Drew.

"Ganoon ba, okay," nakangiting tugon nito sa anak ko.

Gaya nga ng gusto ni Claud ay pumunta kami sa Jolibee. Pagkapasok pa lang namin ay pinagtitinginan na agad kami ng mga empleyado rito.

Ay mali, si Lance lang pala. Paano ba naman kasing hindi? Unang-una, sikat siya sa business world. Pangalawa, siya ang may ari nitong buong mall, kaya paniguradong kilala siya rito. At saka, ang pogi niya.

Humihiyaw ang ka-pogi-an niya kaya kahit hindi empleyado nitong fast-food ay napapatingin sa kaniya. May iilan pa ngang kinikilig, eh. Naku naman talaga.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon