Chapter 25

40 6 1
                                    

CHAPTER 25: THE CONFRONTATION

"YOUR wife? Are you fucking kidding me?" hindi makapaniwalang tanong ni Lance kay Ashton.

"Yes, wife, asawa ko siya. And you, your just her paramour!" mariing sagot ni Ashton.

Shit.

Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Ito ang araw na iyon at nangyayari na nga ngayon.

"I don't believe you!" sigaw ni Lance rito.

"I guess, Adi still didn't tell you the truth. Am I right, mahal?" baling na tanong sa akin ni Ashton. Napatingin ako kay Lance at agad na nag-iwas ng tingin dito.

Mali, hindi ko siya kayang tingnan, dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Ashton at masasaktan ko siya. Ayoko siyang saktan, kung kaya't hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo.

"Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito, honey?" tanong ni Lance sa akin. Napaawang lang ang bibig ko ngunit walang lumalabas na kahit ano'ng salita mula rito.

Lumapit sa akin si Lance saka tumitig ng mariin sa mga mata ko. Napa-iwas naman akong muli sa kanya ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Pakiramdam ko, para akong nalulunod sa uri nang tinging ipinupukol niya sa akin. Kung bakit ba kasi wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo.

He held my face to looked at him. "Honey, looked at me. Tell me the truth, please. Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong niyang muli sa akin na nagsusumamo.

Sandali ko namang ipinikit ang aking mga mata, saka nagpakawala nang isang mahabang buntonghininga. Kasabay nang pagdilat ko ang pasabog ng katotohanang, kasal pa rin ako at hindi kami pwede.

"T-totoo ang si--"

"Damn it!" sigaw niya dahilan upang maputol ang iba ko pang sasabihin. Napasabunot siya sa kanyang buhok, saka malakas na sinuntok ang pader na nasa likuran ko. Tangkang hahawakan ko sana ang kanyang kamay na nagdurogo na sa ngayon. Ngunit agad niyang iniiwas ito at lumayo rin siya ng ilang pulgada sa akin.

"'Wag na 'wag mong sinisigawan ang asawa ko!" sigaw ni Ashton kay Lance. Namalayan ko na lang, dumapo na ang kamao nito sa mukha ng lalaking kaharap ko.

Agad ko namang dinaluhan si Lance upang tulungan itong makatayo. Ngunit agad niyang iniiwas sa akin ang kanyang mga kamay. Tumayo ito ng mag-isa saka walang sabi-sabing sinuntok din si Ashton. Sa lakas nang pagkakasuntok niya, nabuwal din si Ash sa kanyang kinatatayuan.

"Tama na!" malakas na sigaw ko upang matigil na silang dalawa. Ngunit parang walang narinig si Lance at sunod-sunod niyang pinagsusuntok si Ashton. Nagdurogo na ang mukha nito ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Kung kaya't malakas kong tinulak si Lance palayo kay Ashton.

"Wow. Pinagtatanggol mo pa talaga ang lalaking iyan!" sigaw muli ni Lance sa akin.

"Hindi ko siya pinagtatanggol! Gusto ko lang na maawat na kayong dalawa!" sigaw ko rin sa kanya. Natigilan naman ito dahil sa pagsigaw na ginawa ko. Tumingin ako sa kanyang mukha upang tingnan ang kanyang reaksyon, na sana hindi ko na lang pala ginawa. Dahil mababakas sa kanyang mukha ang sakit at pait dito.

Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko siya.

"I. I'm sorry, Lance..." mahinang bulong ko. Hindi ko na rin napigilan ang luhang nais kumawala mula sa aking mga mata. Nag-uunahan ang mga ito, tila sabik na makawala mula sa akin.

Makawala? Isang salita ngunit masakit ang hatid nito. Ayoko siyang makawala sa 'kin, natatakot akong mawala siya sa akin.

"Damn it, Adrianna! Ginagago mo lang ba ako? Naggagaguhan lang ba tayo rito!

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon