Chapter 4

134 36 0
                                    

Didecated to: IFailedAsAHuman

CHAPTER 4: UNANG ARAW

I WOKE up so early this morning. At exactly 4:00 a.m in the morning ay gising na gising na ako.

Inayos ko pa kasi iyong mga dadalhin ko. At saka, nagluto ako ng pagkain ng mga anak ko hanggang pang-pananghalian nila. Iinitin na lang nila 'to mamaya pagkakain na sila. Marunong na rin naman sila kung ano ang mga gagawin.

Silang dalawa lang kasi ang maiiwan dito sa bahay. Simula kasi nang iwan kami ni Ashton, kaming tatlo na lang na mag-iina ang magkakasama. I don't have any relatives or family. Well, I have one. But we're not close and we will never be. I hated him, a lot.

Kung itatanong niyo naman kung sino si Ashton. Well, he's the father of my children, who left us because of money.

Dahil summer ngayon at walang pasok, inihabilin ko sila kay Aling Sita upang tingnan-tingnan ang mga ito. Responsableng bata sina Claud at Drew. Kahit 6 years old pa lang si Claud at 8 years old naman si Drew ay kaya na nilang alagaan ang isa't isa.

They knew how to take care of themselves at marunong na rin sila ng mga gawaing bahay. Kaya nga proud na proud ako sa mga anak ko.

Nag-iwan na rin ako ng sticky notes ng mga gagawin nila. At saka ng mga do and don'ts na nakadigit sa ibabaw ng lamesa.

Parang si The Flash na naman nga ako, eh. Hingal kabayo na nga rin ako sa sobrang pagmamadali.

Haggard kung haggard nga, e, umagang-umaga. Pero keri lang, para sa ekonomiya at para sa pamilya.

5:30 a.m na ako naka-alis sa bahay. Nag-taxi na nga ako para mas mabilis  makarating sa condo ni Sir Lance. Medyo malayo kasi ito sa bahay namin.

Kaya ito, sinasabon niya ako nang sermon kasi raw late ako. Umagang-umaga, nakaka-bad trip. Na-late lang naman ako ng two minutes, eh. Galit na galit na siya d'yan.

Hayss.

Pa'no na 'to? First impression, last pa naman. At sa kaso ko, bad ang first impression sa 'kin ng boss ko.

Tsk!

Kesyo raw, kung ano-ano pa ang inuuna ko kaya late ako. Eh, first day ko pa naman daw. Baka raw kung saan-saan pa ako nagpupupunta.

Duh! Ganito ka aga maglalaskwatsa ako? As if naman. Matutulog na lang ako kaysa maglaskwatsa, ano!

Bwesit na 'to! Sinabi at ipinaliwanag ko na nga sa kaniya ang lahat kung bakit ako na-late. Hindi man lang nakinig sa akin.

"Alam mo, ayoko sa lahat 'yong babagal-bagal. Time is gold. Do you know that!" singhal niya sa akin na may mapanuri at matalim na tinging ipinupukol sa akin.

"I'm sorry, Sir. Hindi na po mauulit," sabi ko sa malumanay na tinig habang sa sahig ako nakatingin.

Ayoko kasing salubungin ang mga titig niya. Natatakot ako, hindi dahil sa galit siya. Kundi, dahil baka matulala na naman ako sa kaniya lalo na ngayong nagsesermon siya. Mahirap na, baka lalong magalit pa sa 'kin si sir.

"Dapat lang dahil sesesantihin kita!" singhal niya ulit sabay talikod sa akin.

Hindi na lang ako sumagot sa kaniya dahil baka totohanin niya ang banta niya sa 'kin kanina.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon