Chapter 23

67 5 0
                                    

Didecated to: AlesanaDemonica0

CHAPTER 23: SHE'S STILL MARRIED

ISANG mahabang katahimikan ang namamayani sa pagitan naming dalawa sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong senaryo. Basta ang alam ko, kailangan namin ito. Ang mag-usap ng maayos para sa mga bata, kaya pumayag akong kausapin siya na kaming dalawa lang.

Narito kami ngayon sa kusina, nakaupo habang magkaharap sa isa't isa. Tulog na rin ang mga bata sa oras na ito. Kung kaya't may lakas ng loob akong kausapin siya, nang walang pangamba na maririnig ng mga bata ang mga bagay-bagay na pag-uusapan naming dalawa.

Wala sana akong balak na kausapin siya ngunit napag-isip-isip kong panahon na rin siguro para magkaroon kami ng closure sa isa't isa. Panahon na rin siguro upang tapusin ang kung anumang bagay ang namamagitan sa aming dalawa.

"Talk," walang emosyon kong sabi. Pagbasag ko na rin iyon sa katahimikang namamayani sa pagitan namin ngayon.

"Adi, I-I'm sorry..." sa mahinang tinig na wika  niya.

"Okay. Ano pa ang kailangan mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya. Sandali niya akong tinitigan sa mata bago siya nagsalita.

"Adi.. Mahal ko, mahal na mahal pa rin kita," inabot niya ang kamay ko saka hinawakan ng marahan, "patawarin mo ako sa lahat nang pagkakamaling nagawa ko. Sana'y hindi pa rin huli ang lahat para sa ating dalawa."

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nag-iwas ng tingin dito. Hindi rin ako kumibo sa lahat nang sinabi niyang iyon, bagkus ay nanatili lamang akong tahimik at walang kibo.

Mahal? Kung sana'y noon niya pa sinabi ang mga katagang iyan ay baka naniwala pa ako. Baka agad kong tinanggap at pinaniwalaan siya. But it's not the same thing anymore. Everything has changed now and it won't bring the past, like we used to be before.

Mapait akong napangisi dahil sa mga sinabi niyang iyon. Buong akala ko ay gan'on na lamang ito kadali para sa akin, ang patawarin siya at kalimutan ang lahat. Ngunit mali pala ako dahil hindi ko pa kaya. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, sa pag-iwan niya sa akin lalong-lalo na sa mga anak namin. Lumaki silang nangungulila at walang ama. At iyon ang pinakamasakit para sa isang ina, ang makitang nasasaktan ang mga anak niya.

Pigil hininga kong pinipigilan ang galit na namumuo sa aking pagkatao saka nagtanong sa kanya. Gusto kong malaman ang dahilan niya, kung bakit niya ginawa sa amin iyon. Kung bakit niya kami pinabayaan at iniwan noon. Kung bakit ngayon lang siya bumalik makalipas ang halos mahigit anim na taon.

"Why, Ashton?" tanong ko sa kanya sa mahinang tinig.

"Adrianna.. I-It wasn't my intention to left you and the kids. I have my reasons why I did those thing t-"

"Then, tell me what is your real reason!" Hindi ko na napigilan ang hindi magtaas ng boses sa kanya. I am full and sucks to this scene, to this sh-t!

"It's all Gregory's fault, Adi!" sigaw niya sa akin.

What? Did I heard it right? Papaano'ng nasama rito ang kapatid ko?

"A-ano'ng kinalaman ni Gregory rito? Are you telling me the truth, Ashton?

"Hindi ba't ang sabi mo noon sa akin ay sawa ka nang makasama ako? Na ayaw mo na, dahil gusto mong mapasayo lahat ng perang iniwan sa akin ni Daddy noon!" mariing sigaw ko sa kanya pabalik. Tila nauubusan na rin ako nang pasensiya sa pag-uusap naming ito.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon