PROLOGUE

214 44 4
                                    

Didecated to: kenryujustin

PROLOGUE:

I THOUGHT a 28 years old businessman would be matured, well-mannered and especially not a brat.

Hay buhay.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, hindi ako magtitiyaga sa mokong na 'to. Daig pa ang araw-araw na may dalaw.

Bwiset!

"Hey! Ang sabi ko sa 'yo 'diba, isama mo rito sa bag na black 'yong yakult ko. My goodness! Mahirap bang intindihin 'yon?" singhal niya.

"Pero, Sir, mababasa po 'yong mga gamit ---" 'Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ngunit pinutol niya na agad. Bastosan lang, eh!

"Walang pero-pero. Sino ba ang boss sa 'ting dalawa, huh?

"Next time Ms. Adrianna, just do what I say or else I fire you!" singhal niya na naman sa 'kin. Tsk! Sanay na ako. Ganito naman kami araw-araw.

"Opo na lang, Sir. Tsk, what a spoiled brat," pabulong na sabi ko sa huli. Pero ang lintik mukhang narinig pa yata.

"What did you say?" aniya na pinaningkitan pa ako ng mata.

"Wala po, Sir sabi ko ang gwapo n'yo po. Hehe, sorry." Pilit na ngiti ko.

"Argh, you woman!" aniya sabay hilot sa sentido niya. Haha, buti nga sa kaniya. Siya nga minu-minuto pinapasakit ang ulo ko. Kaya dapat lang 'yan sa kaniya.

Ako si Adrianna Alarcon.

Hinding-hindi ako magpapatalo sa isang Lancelot Reign Buenamira na 'yon.

Kaasar kaya siya!

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon