Chapter 12

107 11 0
                                    

Dedicated to: Joyiibee_14

CHAPTER 12: FAMILY DAY

TANGING lagaslas lang ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo kung saan naririto ako ngayon.  Isinarado ko naman agad ang gripo pagkatapos kong magbanlaw at makontento sa ginawa kong paliligo. Makalipas ang halos kalahating oras ay natapos na rin ako. Binilisan ko na nga rin ang kilos dahil alam kong naiinip nang naghihintay sa labas si sir Lance. Maliligo rin ang isang iyon, eh.

"Sh-t," mahinang mura ko.

Paano ba naman kasing hindi. Nawawala ko lang naman ang panty ko. Bakit ngayon ko lang ito napansin, kung kailan magbibihis na ako.

Ugh! Naiwan ko ba sa kwarto? O baka nahulog sa sala? Paano na 'to?

Tok.. Tok.. Tok..

Rinig kong katok mula sa labas ng pinto nitong C.R.

"Adi, may nahulog ka rito sa sala. Sorry ngayon ko lang napansin. Ano, 'yong underwear mo!" sigaw ni sir Lance mula sa labas. Shocks, nakakahiya!

"G-ganoon ba. Pwede bang p-paki-abot," kanda utal-utal kong sabi. Nakakahiya talaga.

Nagtakip muna ako ng tuwalya bago ko binuksan sa maliit na siwang ang pinto, 'yong tipong kamay ko lang ang kasiya. Iniabot niya naman ito sa akin ng hindi nakatingin. Sinarado ko naman agad ang pinto pagkatapos kong makuha.

Nagbihis agad ako pagkatapos. Kaso, ugh! Feeling ko hawak niya ang..

Hindi, Adi. Never mind it. 'Wag ka ngang echos d'yan!

Pagkalabas ko ng pinto sa banyo ay siya agad ang bumungad sa akin.

"Are you okay now?" tanong niya.

"O-Oo," nauutal-utal na sagot ko sa kaniya sabay iwas ng tingin.

Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Nahihiya ako.

"Hey, look at me. It's okay, don't be shy, honey. Sa susunod, ako na ang magdadala sa 'yo ng bihisan mo sa loob ng banyo para hindi muna 'mahulog'." Napatingin naman agad ako sa sinabi niya. And like the pak. He was smirking at me while wiggling his brows. Tila nang-aasar pa ito.

Sinasabi ko na nga ba, eh. Aasarin ako nitong Lance-salot na 'to. Arghh!

"Hoy lalaki, hindi ko naman sinasadyang mahulog iyon. Ang bastos mo!" inis na sabi ko sabay hampas sa braso niya ng malakas.

"Hahaha, wala naman akong sinabing bastos doon, ah. Ang sinasabi ko lang naman, ako na ang magdadala ng bihisan mo sa loob ng C.R bago ka maligo. Para hindi mo na 'mahulog' o kaya makalimutan," nakakalukong sabi nito. At talagang in-emphasise niya pa ang salitang 'mahulog'.

Gosh, Adi. Nakakahiya ka talaga!

"Walang hiya ka talaga! Bastos! Maligo ka na nga!" sigaw ko sa kaniya sabay walk-out.

"Hey, honey. I'm sorry, okay. Ang cute mo kasing mainis. I'm just joking. Hindi ko na uulitin," habol niya sa aking sabi. Hindi ko naman siya tiningnan o kaya'y nilingon man lang.

Nang maabutan niya ako ay ikinulong ako nito sa kaniyang mga bisig at masuyong hinalikan sa aking noo. Pinagdikit niya rin ang aming noo bago muling nagsalita.

"I'm sorry, Adi. Please forgive me," sincere niyang sabi. Tila naliliyo naman ako sa mga titig na ipinupukol niya sa akin. Nalulunod na naman ako sa kaniyang asul na mga mata.

Hindi naman ako umimik, bagkus ay nakipagtitigan din ako sa kaniya.

"Sige na, maliligo lang ako. Mabilis lang 'to. Check our boys if they are already done fixing themselves. Pagkatapos ko, aalis na tayo," sabi niya sa akin.

His Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon