Dedicated to: _ynaaaxius
CHAPTER 10: A GOOD MORNING KISS
"MA, SAAN ko po ito ilalagay?" tanong ni Drew sa akin. Pinabili ko kasi siya kanina ng asukal sa tindahan ni Aling Sita, naubusan kasi kami ng stock. Magluluto kasi ako ng champorado para sa breakfast namin ngayon.
Actually, kanina pa kami gising. Alas cinco pa lang gising na ako. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari kahapon at lalong-lalo na kagabi. Ang dami naman kasing pasabog ni sir. Hindi ko kinakaya. Feeling ko nga ang laki ng eyebags ko ngayon.
Sunday ngayon, kaya magge-general cleaning kami at wala naman akong pasok. Then, mamayang hapon magsisimba kaming tatlo. Mother and son's date at bonding na rin namin, since bihira lang kaming magkakasama. Pag-weekdays kasi at saka Saturday morning, 'di kami nagkakasama-sama tapos sa gabi naman dinner lang.
Tok.. Tok.. Tok..
Tunog ng pintuan namin iyon. May kumakatok sa labas.
May bisita agad kami. Ang aga pa, ah. Alas sais y media pa lang. Sino kaya 'yang nilalang na 'yan at kay aga-aga, eh, nambubulabog kaagad?
"Claud, anak pakibuksan nga po ng pinto," utos ko sa anak kong si Claud, dahil siya ang pinaka malapit sa pinto. Nasa sala siya ngayon, nanunuod ng cartoons sa T.V. Habang kaming dalawa ni Drew ay nandito sa kusina.
"Opo, ma," sagot niya sa akin.
"Salamat, anak," sagot ko sa kaniya pabalik.
Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
"Anak, sino ba ang bisita natin?" tanong ko ulit kay Claud sa medyo may kalakasang boses, dahil nga nakatalikod ako sa may sala at hindi ko nakikita ang taong pumasok.
Busy kasi ako sa aking ginagawa. Hinahalo ko na kasi ang cocoa sa kaning malagkit. Kumukulo na kasi at malapit ng maluto. Sunod ko namang inilagay ay ang asukal at gatas upang mas lalong sumarap ito. Dinagdagan ko rin ng white cheese bago hanguin. Gustong-gusto kasi ng mga anak ko na may puting keso ang champoradong niluluto ko sa kanila.
Ngunit isang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin akong narinig na sagot mula kay Claud. Imbes na sagutin niya ako ay tanging paghagikgik na lamang nito ang naririnig ko.
Naramdaman ko na lang na may taong yumakap sa 'kin mula sa aking likuran at ang marahan na paghalik nito sa aking pisngi.
Napapitlag naman ako dahil dito. Kaya naman awtomatikong humarap ako sa kung sino mang pangahas ang yumakap at humalik sa akin. At binigyan ito nang isang malakas na sampal sa kaniyang pisngi.
Sandali ko namang natutop ang aking bibig at bahagyang nanlaki ang aking mga mata, nang mapagsino ko ang taong iyon.
"What the heck! Juice na milo naman, oh!" pagalit kong sigaw sa kaniya. "Bakit ka ba kasi nanggugulat, ha!" Sabay palo ko sa kaniyang dalawang braso.
"Ouch, honey! Is that the right way to greet someone a good morning!" mahinang sigaw sa akin ni Lance habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko. Ang isang kamay niya naman ay hinihimas ang kaniyang dalawang brasong pinalo ko kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...