Didecated to: chuzzlewitty
A/N: This is Ashton's especial chapter. Medyo mahaba-haba ito, honey's.
CHAPTER 21: GLIMPSE OF YESTERDAY
SIX YEARS AGO...
"Gregory, we have a deal. Tuparin mo ang napagkasunduan natin. Nagawa ko na ang ipinag-uutos mo. Kaya please, h'wag na h'wag muna ulit guguluhin ang buhay ng mag-iina ko. Maawa ka, kapapanganak lang ni Adrianna sa pangalawa namin." Nagsusumamo kong paki-usap sa kanya.
Narito ako ngayon sa mansiyon ng mga Garcia, sa bahay ni Gregory Harson Montemayor Garcia. Ang nag-iisang kapatid ng asawa ko.
Asawa..
Mapait akong napa-ngiti nang maalala ang magandang mukha ng aking pinakamamahal na asawa. Si Adrianna Alarcon Garcia-Ruiz.
The first time I laid my eyes on her. For me, she was the most angelic and gorgeous woman I've ever seen. Nabighani agad ako sa taglay niyang ganda. She has this enchanted effect on me that I can't resisted.
“Mahal kong Adrianna, patawarin mo sana ako sa gagawin kong ito. Para rin sa inyo ng mga anak natin ang gagawin ko.”
"Napapirmahan ko na kay Adi ang kontrata, Gregory. Nailipat na rin sa pangalan mo ang lahat ng titulo ng lahat ng mga ari-arian na ipinamana sa kanya ng inyong ama. Magmula sa pinaka-maliit na ari-arian hanggang sa pinaka-malaki. Wala ni pisong kusing ang natira sa kanya." Pinuno ko muna ng hangin ang aking lalamunan bago marahas na nagbuntonghininga.
"Nagmamakaawa ako sa 'yo, Greg. Lubayan muna ang asawa ko." Paki-usap kong muli rito.
"Inutil! Asawa? Nahihibang ka na ba, Ashton! Naturingan kang abogado ngunit ang bobo mo!
"Tuluyan ka na talagang nahulog sa kapatid ko. Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo, hiwalayan mo siya pagkatapos kong makuha ang lahat ng yaman na dapat ay sa akin. Hindi ba't isa sa pangunahing napagkasunduan natin ang pa-iibigin mo lang siya at hihiwalayan pagkatapos kong makuha ang lahat. Baka naman gusto mong bukas na bukas din ay makita mo ang bangkay nila na lumulutang sa Ilog Pasig."
Naikuyom ko ng madiin ang aking dalawang kamay. Dahil sa mga salitang binitiwan ng lalaking kausap ko. Marahas ko ring ipinikit ang aking mga mata upang pigilin ang namumuong galit sa aking diwa. Ayokong matalo sa kanya. Ayokong mahulog sa bitag niya. Dahil alam kong panghabang-buhay kong pagsisisihan ang bagay na ito.
“Patawarin mo ako, mahal ko,” usal ko sa aking isipan.
"M-Maawa ka, Greg. H'wag mo silang sasaktan. Gagawin ko na ang gusto mo. Hihiwalayan ko si Adrianna ngayon din," nauutal at nanginginig ang mga labing sambit ko.
"Magaling dahil kapag hindi ka tumupad sa usapan natin. Hindi ako magdadalawang isip na patayin sila." Tinitigan ako nito ng deretso sa aking mga mata saka ngumisi nang naka-iinsulto.
"Isa pa nga pala, your mother's health is in the critical condition, right? Baka gusto mong pati siya ay madamay kapag hindi ka sumunod sa mga gusto ko. You knew me, Atty. Ruiz. What I want is what I get and everything I'd say will happen." Mas lalo kong diniinan ang pagkakakuyom ng aking kamao dahil sa sobrang pagpipigil na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
His Personal Alalay
RomanceBLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...